Boy-band member Polo Ravales plays a musician in "Pasan Ko ang Daigdig"


Boyz.Com member Polo Ravales portrays a musician in GMA-7's new Sine Novela offering, Pasan Ko ang Daigdig. "Arranger ako, songwriter na makikitaan ko si Yasmien ng future sasinging. So, ako yung parang magiging instrument niya para sumikat," describes Polo about his role.



Challenging para kay Polo Ravales ang role niya sa Pasan Ko Ang Daigdig, ang bagong handog ng Sine Novela na pinagbibidahan nila nina Yasmien Kurdi at JC de Vera.

"Arranger ako, songwriter na makikitaan ko si Yasmien ng future sa singing. So, ako yung parang magiging instrument niya para sumikat," paglalarawan ni Polo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang role during the presscon of Pasan Ko ang Daigdig.

"Nakaka-challenge siyempre, kumbaga, mas mahirap kasi ‘yung... Kunwari pag mahirap ka, medyo madali na siyang gawin kasi bihisan ka lang ng pang-mahirap, iarte mo lang, okay na, di ba?

"Dito hindi, siyempre mayaman ako [yung role], so medyo double effort. Kasi paano ka makikitaan ng magandang acting kung alam mo ‘yon? Yung role kasi parang first time kong magiging musician, ganyan."

Hindi ba't maituturing na rin siyang isang musician ngayon dahil sa pagiging miyembro niya ng boy band na Boyz.Com?

"Yes, but dito kasi parang... Siguro ang attack dito, medyo mas iba yung dating, ganyan," paliwanag niya.

Ang obserbasyon ng marami ay parang hindi na siya nababagay sa Boyz.Com dahil ang mga kasamahan niya rito ay sina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Alwyn Uytingco, at Gabb Drilon.

"Hindi naman dahil sa matanda ako, ha?" tawa niya. "Magkakalapit lang kami ng age, lalo na kami ni Frank.

"Well, kasi parang naisip ko na parang for a change, para naman may kakaiba sa ginagawa ko, gusto kong kumanta. Naisip ko na mas okay na magkaroon ng boy band. Ang gusto ko dun, kasama ko yung mga kapatid ko sa manager. Lahat ng kasama ko, hina-handle di ni Direk Manny [Valera, Polo's manager].

"So, kung ano yung magiging reaction ko dun sa sinasabi nilang mataas daw yung level ko sa kanila, siguro tama sila. Pero opinion nila ‘yon, e. Basta ako, I'm having fun and ang target namin yung makapag-show sa ibang bansa," sabi ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN