Vice Ganda surprises two of his fans with early Christmas gifts

by Jet Hitosis
Oct 16, 2019
Vice Ganda surprises two of his Twitter followers when he granted their wishes on Tuesday, October 15, more than two months before Christmas.
PHOTO/S: Noel Orsal

Napaaga ang Pasko ng dalawang fans ni Vice Ganda matapos niyang tuparin ang nai-tweet na kahilingan ng mga ito.

Martes ng umaga, October 15, nang magkasunod na mag-tweet si Xeekaiii (@emrealmz) para makiusap na sana ay available pa ang bagong labas na limited edition ng BT21 collection ng ViceCosmetics, dahil naudlot ang nakatakdang pagbili niya rito.

Ayon sa fan ni Vice, excited na siyang bumili ng naturang make-up collection ng iniidolong It’s Showtime host, “pero exam week nga pala nang kapatid ko may babayaran pala ako.”

Tweet ni Xeekaiii: “Yung sweldo ko na at excited na ako bumili nang BT21 collection nang @vicecosmeticsph pero exam week nga pala nang kapatid ko may babayaran pala ako. :( Hayyst! next time nalang ako bibili. Sana available pa. (praying hands emoji) @vicegandako.”

Makalipas lang ang tatlong minuto, nag-reply si Vice sa tweet ni Xeekaiii: “what’s ur address? DM me and i’ll send you the complete collection.”

Continue reading below ↓

Nagpasalamat naman ang fan kay Vice, na “hindi makapaniwala” sa natanggap niyang “gift.”

Nauna rito, isang estudyante ng Arellano University, na may Twitter handle na John Rey (@IamJhnRy), ang diretsahang humiling ng “christmas gift” kay Vice para makadalo siya sa senior ball ng kanilang eskuwelahan.

Continue reading below ↓

Tweet ni John Rey: “@vicegandako meme vice we have a senior ball in our school and then the theme is Modern Filipiniana, I hope na mabihisan niyo ko meme vice christmas gift narin po hihihi, nakakahiya man pero kakapalan ko na mukha ko para maging maganda sa ball and slay like you (two hearts emoji) Thank you meme.”

Sagot ni Vice: “So u wanna experience slaying the red carpet just like me? When is ur ball?”

Bakas ang excitement sa reply ni John Rey: “Omygosshh!! December 13 po meme vice.”

Karaniwan nang inaabangan at nagba-viral ang gowns ni Vice kapag rumarampa sa red carpet—tulad ng bonggang Carnival Queen-inspired gown niya sa ABS-CBN Ball nitong September 14.

View this post on Instagram

Ang Alamat ng Paruparong Bukid

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

Kuwela naman ang sumunod na tweet ni Vice: “Anung level of chugugness ang gusto mong maachieve sa ball? Gusto mo ba yung pagdating mo maguuwian na sila?”

Continue reading below ↓

Abut-abot ang tuwa ni John Rey sa pangarap niyang "natupad" ni Vice, kaya naman nagawa niyang i-share ang screenshot ng palitan nila ng direct messages ng comedian-TV host.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda surprises two of his Twitter followers when he granted their wishes on Tuesday, October 15, more than two months before Christmas.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results