Monique Wilson writes an open letter to Duterte about rape culture: "Rape is rape."

Apr 19, 2016
<p>Theatre/film actress Monique Wilson writes a lengthy letter to Davao City Mayor Rodrigo Duterte and talks about rape culture. In the said letter, Monique included the photo of Lola Narcisa (right photo), who became a comfort woman during World War II,

Isang mahabang liham para kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang ipinost ng theatre at film actress na si Monique Wilson sa kanyang Facebook account nitong Lunes ng gabi, April 18.

Kaugnay pa rin ito ng “gutter joke” na sinabi ng presidential candidate sa isa niyang campaign rally tungkol sa isang Australian rape at murder victim sa Davao noong 1989.

COMPLIMENTING DUTERTE. Sinimulan ni Monique ang kanyang liham sa pagpuri kay Duterte tungkol sa mga nagawa nitong kabutihan sa ating mga kababayan.

“I don’t know you personally, although I know what you have done for women in Davao City and the support you have given our women’s groups there, including our One Billion Rising (OBR) campaign for the last four years,” simula ng dating Miss Saigon star.

Maraming beses na umanong nakapunta si Monique sa Davao at saksi siya sa pagpapatupad ng mga proyekto at adbokasiya para sa mga kababaihan.

Continue reading below ↓

“The incredibly diverse, radically political and fiercely creative OBR annual Rising events that happen there each year - joined by so many, if not, all sectors of society in Davao, is testament to the dignity and respect and value given to women and girls there.”

Alam din daw ni Monique ang ginagawa ng alkalde para sa mga Lumad at mga manggagawa na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan laban sa militarisasyon na pumapatay at nangha-harass sa kanila.

Sinabihan din daw siya ng mga Lumad na nagpapadala ng pagkain si Duterte para sa kanila.

Alam din daw ni Monique ang pagprotektang ginagawa ni Duterte para sa mga magsasaka sa Kidapawan “more than any other leader.”

Dagdag pa niya, “I see the way your heart beats loudly against the injustices heaped against them.”

MALE MACHISMO. Sa puntong iyon, ibinahagi ni Monique na naaalala niya si Duterte sa kanyang yumaong ama, ang character actor at politician na si Johnny Wilson.

Continue reading below ↓

Saad niya, “I am having sleepless nights thinking of the male machismo entitlement in which you wield words on a privileged whim because of your elevated status as a man of position and power.

“I grew up in a household where my father also wielded words — words that were used as swords to assert his male superiority and power over my Mother.”

Kuwento ni Monique, dahil sa verbal abuse na ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina, nadurog ang kanyang ina.

“Words that destroyed any feelings of value or security she may have had in order for him to feel more powerful, to feel manly, to feel in control.

“Words that were meant to put women in their place — inferior, no value. Violent language.”

Diin ni Monique, “You see, Mayor Duterte, you remind me of my father.

“Who fought for the poor and the marginalized, and despite being a Marcos man always told his children we should always be proud he never stole from the government — which is, he reminded us, why we did not live in Forbes Park like the Marcos cronies.

Continue reading below ↓

“He was of the people. For them. He served them.”

Pero pagdating daw sa bahay, bukod sa kung anu-anong masasamang salita ang itinatawag ng kanyang ama sa kanyang ina, nambabae rin daw ito.

“He called women every derogatory name much like how you do.

“His male macho privilege permeated our home, our family — and his devaluing of women created fear, insecurity, anger, instability, duplicity, double standards.”

Sa kabila raw ng pagiging mabuti ng kanyang ama, na naging vice mayor din ng Makati, at lahat ng nagawa niya sa pinakamahirap na komunidad, hindi raw nakita ni Monique dahil sa ginawa nito sa kanyang ina.

“All I could see was how his constant misogynistic macho sexist diminishing of her affected her life, affected ours.

“I can still hear her cries and smell her fear.

“For decades I never said anything, again to protect my father’s good public name and the service he had done — even if the truth about him burned with rage inside me.”

Continue reading below ↓

ON RAPE CULTURE. Dito sinimulan ni Monique ang kanyang pagtuligsa kay Duterte hinggil sa naging pahayag nito tungkol sa rape.

“Rape culture is denying the weight and seriousness of the crime by joking about it.

“It doesn’t matter that you tell us later on what the context of the story was — all that matters is that you MADE LIGHT OF IT.

“And ALLOWED YOUR FOLLOWERS AT THAT RALLY TO LAUGH ALONG — diminishing the gravity of the rape.

“Words are important Mayor. You cannot throw them out playfully and casually and not look at the consequences of what your words do.”

Inilarawan din ni Monique kung paano mas binigyang pansin pa ni Duterte ang pisikal na katangian ng Australian rape victim na si Jacqueline Hamill, sa halip na mag-focus sa pagiging misyonaryo nito sa bansa.

“You could have mentioned that she was a missionary, there to help and serve.

Continue reading below ↓

“Instead of noting her physical attributes, which commodifies and objectifies her. Which treats her as an OBJECT, instead of as a woman, a person, with more than just looks.

“Without you realizing it, you have already diminished her by objectifying her on that level alone.

Banat pa ni Monique, sigurado siyang tutugisin niya ang maysala kung sa sariling anak niya nangyari ang nangyari kay Hamill.

“NOTHING JUSTIFIES RAPE AS A JOKE.”

Tinuligsa rin ni Monique si Duterte sa hindi paghingi nito ng tawad sa kanyang mga sinabi.

“More than an apology it is the lack of humility in which to admit you did wrong that also perpetuates rape culture.

“The laws and policies implemented mean nothing if respect and dignity for women is not fully embodied in concrete thought, actions and words.”

Mensahe ni Monique kay Duterte, bilang presidential candidate, na nangunguna pa sa survey, na marami ang naniniwala sa kanya, “holds you even more accountable than most. Holds you in even greater responsibility for your words and actions.”

Continue reading below ↓

LOLA NARCISA. Kalakip din ng artikulo ni Monique ang larawan ng isang matandang babae na nagngangalang Lola Narcisa, isang comfort woman noong panahon ng World War II, nang sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.

Ikinuwento ni Monique kung paano dinukot si Lola Narcisa ng mga Hapon sa edad na 14-anyos at ginawang comfort woman sa loob ng dalawang taon, kasama ng iba pang kababaihan.

Umaabot daw sa 70 Japanese soldiers ang gumagahasa sa kanila sa loob ng isang araw.

Nanahimik daw si Lola Narcisa sa loob ng 50 taon, pero nakikipaglaban sa ginawa sa kanya sa loob ng 23 taon, pero wala pa ring katarungan.

Ibinahagi rin ni Monique na may mga katulad ni Lola Narcisa ang nawala sa pag-iisip, itinakwil ng kani-kanilang pamilya, at kung anu-ano pa.

Ani Monique, patuloy pa rin ang nangyayaring henerasyon ng comfort women at may biktima pang mga bata.

“Imagine this as you imagine your own daughters.

Continue reading below ↓

“Rape ruins a life and takes it away a life recovering, healing, surviving in constant breakage and pain instead of a life thriving, living, creating, growing.

“RAPE IS NO LAUGHING MATTER FOR HER,” aniya patungkol kay Lola Narcisa, na patuloya na nakikibaka sa ginawa sa kanya at sa iba pa na ang ilan ay patay na.

“Please give Lola Narcisa, and the countless, often times nameless, faceless, invisible women and girls DIGNITY.

“Please allow humility to deepen your education and understanding of rape.

“And please please use your privilege, your influence and your power, to end rape culture.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Monique Wilson
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Theatre/film actress Monique Wilson writes a lengthy letter to Davao City Mayor Rodrigo Duterte and talks about rape culture. In the said letter, Monique included the photo of Lola Narcisa (right photo), who became a comfort woman during World War II,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results