Aiza Marquez answers issue linking her to a lesbian


"Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit makita lang nila na may kasamaako, iisipin nila agad karelasyon ko. Example, may kaibigan akongbading pero mukha siyang lalake, isyu na ‘yon para sa iba. Ngayonnaman, 'pag may kasama akong tomboy, sasabihin karelasyon ko na. Hindinaman porke't I go out and mingle with them ay karelasyon ko na agad," says Aiza Marquez about rumors linking her to a lesbian.



After her breakup with ex-boyfriend Gian Magdangal, wala pang nabalitang kasunod na naging boyfriend ang young actress na si Aiza Marquez. Pero ngayon ay nali-link si Aiza hindi sa lalake kundi si kapwa niya babae—si Elaine Crisostomo na nakarelasyon dati ng aktres na si Desiree del Valle.

Ayon sa balita, nakita raw na nakikipaghalikan si Aiza kay Elaine sa isang bar sa Quezon City.



Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Aiza noong September 1 sa Zirkoh Timog ay agad namin siyang inusisa tungkol sa kanila ni Elaine. Mariin niyang pinabulaanan ang naturang balita sa kanila ni Elaine.

"Oh my God! Dyusko po! Iyan ang isang bagay na di ko gagawin. Hindi naman porke't wala akong boyfriend, e, nag-iba na ang sexual preference ko," sabi ni Aiza.

"Kumare ko si Elaine, inaanak ko yung ampon niya. Nakilala ko si Elaine through Des [Desiree] at hanggang ngayon magkaibigan pa rin kami. Minsan 'pag nag-aaway sila ng girlfriend niya, tatambay ‘yon sa amin. Minsan ang aga-aga, tatawag sa akin ‘yon, ‘Mare, malapit lang ako sa inyo, punta ako diyan,'" kuwento ni Aiza.



Hindi rin itinanggi ni Aiza na lumalabas at gumigimik sila ni Elaine, pero never daw silang lumabas na silang dalawa lang. Sa kahit na anong lakad daw ng young actress ay kasama niya ang kanyang personal assistant.



"Oo, it's true na gumigimk kami pero kasama ko palagi ang PA ko kahit saan," saad ni Aiza. "Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit makita lang nila na may kasama ako, iisipin nila agad karelasyon ko. Example, may kaibigan akong bading pero mukha siyang lalake, isyu na ‘yon para sa iba. Ngayon naman, 'pag may kasama akong tomboy, sasabihin karelayson ko na. Hindi naman porke't I go out and mingle with them ay karelasyon ko na agad."

According to Aiza, ang kanyang ina ang pinaka-apektado sa ganitong mga klaseng issue sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kahit alam niya sa sarili niya na hindi totoo, siyempre naiinis siya sa mga isyung lumalabas. Nagtatanong niya, ‘Bakit may ganyan?'" sabi ng young actress na napapanood sa Kung Mahawi Man ang Ulap ng GMA-7.



Sinabi rin ni Aiza na kung sakali mang pumasok siya sa same-sex relationship ay hindi niya raw itatago ito sa publiko.



"Kung halimbawa, napasok ako sa ganyang situwasyon, bakit ko naman ide-deny? Pero hindi kasi totoo kaya nga kinaklaro ko," sabi niya.

Para kay Aiza ay sarado na rin ang chapter ng buhay niya sa kinauwian ng relasyon nila ni Gian Magdangal. Sa nababalitang relasyon ng binata ngayon kay Sheree ay ayaw nang magbigay ng komento ni Aiza.



"Actually, wala na akong coment about that. Matagal ko nang alam kahit nung nagde-date pa lang sila. No big deal ‘yon kung halimbawa man na i-deny man nila and later on bigla nilang inamin ngayon. Siyempre kanila nang problema ‘yon. Siguro before, talagang hindi pa sila talaga sila official, baka ngayon sila na talaga," sabi niya.



Sa ngayon, kahit walang boyfriend si Aiza ay masaya raw siya sa kanyang buhay. Next year, she's planning to go to the United States for a vacation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN