Angel Locsin denies asking to change title of her teleserye with Piolo Pascual


Young actress Angel Locsin answers new issues thrown at her—her upcoming teleserye with Piolo Pascual (inset, top), the possible match-up between her and former loveteam Richard Gutierrez (inset, center), and rumored suitor Luis Manzano (inset, bottom).



Unang napabalita na ang magiging title ng unang project ni Angel Locsin sa ABS-CBN kasama si Piolo Pascual ay Taong Lobo. Pero iniba na ang title nito at ginawa nang La Loba Blanca.

Ayon sa lumabas na balita, hindi raw kasi pumayag ang manager ni Angel na si Becky Aguila na iyon ang magiging title ng serye ng young actress with Piolo. Kung iyon daw kasi ang gagamitin, obvious na si Piolo ang bida at support lang si Angel. Para wala na lang daw usapan, iniba na nga lang ng ABS-CBN ang title ng naturang serye.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angel noong Linggo, September 9, pagkatapos niyang mag-guest co-host sa ASAP '07. Nilinaw ng young actress na wala siyang kinalaman at ang kanyang manager kung nabago man ang title ng serye nila ni Piolo.

"Lilinawin ko lang po, wala kaming kinalaman kung nagdesisyon man ang ABS na baguhin ang title ng serye namin ni Piolo," diin ni Angel. "Basta ang alam ko, yung mga project na tulad nito, in-offer lang sa akin, tinanggap ko, ‘yon lang. Pero hindi kami nakialam.

"Never naman akong nakikialam sa isang project. Parang nakakahiya naman... Parang ang dapat makialam, kung sino ang may karapatan, si Piolo lang ‘yon. Wala kaming karapatan."

RICHARD GUTIERREZ. May gagawin ding bagong serye sa GMA-7 ang dating ka-loveteam ni Angel na si Richard Guttierez, ang Kamandag. Balitang makakatapat ng timeslot nito ang La Loba Blanca nina Angel at Piolo kung saka-sakali. Handa na ba si Angel na makatapat ang programa ni Richard?

"Sana nga, huwag, e," sabi ng young actress. "Kasi si Chard, naku sobrang mahal ko siya! Best friend ko si Chard, e. Pero sana nga huwag na lang magkatapat ang show namin. Pero wala kami sa posisyon na mamili ng timeslot."

May communication pa ba sila ni Richard hanggang ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bukas [September 10] magkikita kaming dalawa. Magsu-shoot kami ng isang commercial sa Bangkok," pagbabalita niya.

LUIS MANZANO. Samantala, nali-link din ngayon si Angel kay Luis Manzano. Tinanong namin si Angel kung nanliligaw na sa kanya si Luis.

"Tanong mo sa kanya, hindi ko alam," natatawang sagot ni Angel. "Pero eto lang, he's being nice. Sabi ko nga sa kanya, parang wini-welcome niya ako sa ABS-CBN, ganun lang.

"Wala rin naman ako sa point na gustong pumasok sa isang relasyon. Kasi nga, di ba, yung parang...alam n'yo na, busy. Baka mauwi na naman sa past relationship ko, di ba, na hindi ko maasikaso?" sabi ni Angel na ang tinutukoy ay ang failed relationship nila ng ex-boyfriend niyang si Oyo Sotto.

So, magkaibigan lang sila ni Luis?

"Okay kami as magkaibigan, e. Pero masaya ako pag kasama ko siya," sabi ni Angel.

Ipinagtanggol din ni Angel si Luis sa sinasabi ng iba na nakikisakay lang ang binata sa popularidad ni Angel kaya gusto niyang ligawan ang dalaga.

"Naku naman, anak siya nina Vilma Santos at Edu Manzano kaya paano naman niya akong gagamitin? Unfair naman yata yun sa kanya. Hindi naman showbiz na tao si Luis. Hindi siya yung ganoon na... Actually, akala ko noong una, porke't lumaki siya sa pamilyang showbiz, showbiz na rin siya. Hindi!" depensa niya kay Luis.

Gaano na ba sila kalapit ni Luis?

"Siya yung pinakamalapit na bagong kaibigan ko rito sa ABS," sagot ng young actress.

Inamin din ni Angel na lumalabas na sila ni Luis.

"Sometimes nanonood kami ng sine, ganoon. Pero hindi lang naman kaming dalawa, may mga kasama kami," paglilinaw niya bilang panghuli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN