Tetchie Agbayani challenges herself intellectually as student and educator


"Sa edad kong 45, ibang challenges naman 'yong gusto kong harapin. More intellectual 'yong challenge na hinahanap ko," says Tetchie Agbayani.



Very enriching ang naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kauna-unahang Filipina na nag-pose sa Playboy noong dekada 70 na si Tetchie Agbayani. She has gone a long way from being a sexy model-actress and now, a professor in one of the colleges in Quezon City.



Matatandaang nakapasok si Tetchie sa Hollywood through movies like Emerald Forest (1985), Gymkata (1985), and Money Pit (1986, starring Tom Hanks). Nakagawa rin si Tetchie ng isang Australian film, ang Ricky & Pete.



"I did Ricky & Pete sa Australia. Tatlo kaming lead actors doon, dalawang Australian at ako, Filipina. Ang role ko talaga doon ay isang Filipina na medyo balu-baluktot ang English, medyo may punto," kuwento ni Tetchie sa presscon ng Love Spell kahapon, September 14, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.



PLAYBOY MODEL. Ayon kay Tetchie, isang malaking misconception ang paniniwalang kaya siya nabigyan ng mga project sa Hollywood ay dahil sa pagpu-pose niya sa Playboy magazine.



"When I moved to America, tinakasan ko nga 'yong brouhaha about that Playboy. Sabi nga ng agent ko, huwag kong banggitin ang Playboy dahil baka ma-boxed ako to a certain role. Kaya naman all the time na I was living in Hollywood, they never knew na nag-pose ako sa Playboy," lahad ng aktres.



Inamin ni Tetchie na malaking "burden" sa kanyang career ang pag-pose sa Playboy dahil agad siyang hinusgahan ng mga tao kahit hindi pa siya nakikilala personally.



"Para sa akin, para lumabas at ipaliwanag 'yong ginawa ko ay medyo masalimuot gawin 'yon. Kasi kung naglalabas pa rin ako during that time ay parang masyado kong kina-capitalize ang ginawa kong pagpu-pose, which is para sa akin lang naman ay trabaho 'yon. Bago naman ako naging artista ay modelo ako," paliwanag niya.



Kuwento pa ni Tetchie, hindi raw niya kinaya emotionally ang mga nangyari sa kanya at kahit maraming offers na dumating sa kanya, hindi niya sinamantala ang pagkakataon dahil 'yon yung panahon na nagkaroon siya ng obscenity case na inihain ni Polly Cayetano pero na-dismiss ito after a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"When I migrated to America, akala ko forever ko nang iiwanan ang pag-aartista. Pero doon din pala ako lalagpak," natatawa niyang pahayag.

BACK TO SCHOOL. In 1996 ay tumigil na sa pag-aartista si Tetchie dahil naging isa na siyang ina. Itinuon na niya ang kanyang buong panahon sa kanyang nag-iisang anak na babae na 15 years old na ngayon.

Dahil din sa kanyang anak kaya nagdesisyon si Tetchie na balikan ang kanyang pag-aaral.



"I brought her to Saint Joseph College and tinanggap siya. Doon na ako nag-alala dahil wala akong ginagawa habang naghihintay sa aking anak," kuwento ni Tetche.



"So nakipagsapalaran ako, kumuha ako ng entrance test sa Saint Joseph. So, that summer in 1996, sabay na kami ng anak ko na nag-aaral. Nag-start ako ng first-year college at nagtapos ako noong year 2000. I graduated with the degree in BS Psychology."



After one year ay nag-aral naman si Tetchie sa Ateneo de Manila at sa ngayon ay isang taon na lamang ang kanyang bubunuin para matapos ang kanyang master's degree.



"Ngayon ko lang na-appreciate ang pag-aral," sabi niya. "Right now, I feel na enjoy akong mag-aral, enjoy akong magturo. After I finish my MA, plano ko mag-proceed sa PhD ko."



Kandidato si Tetchie this year for Master's Degree in Counseling Psychology sa Ateneo de Manila. Kasalukuyan din siyang nagtuturo sa Saint Joseph's College ng mga estudyanteng nasa third and fourth year at sa graduate school. Plano rin niyang magturo sa Ateneo at sa UST kung saan siya nag-high school.



Sabi ni Tetchie, kilala siyang artista sa eskuwelahan at posibleng alam din ng mga estudyante na nag-pose siya noon sa Playboy, pero hanggang bulungan lang daw ang mga ito.

Wala bang nanliligaw na mga estudyante sa kanya?

"Wala naman nanligaw sa akin doon," sabi ni Tetchie. "Siguro kumikislap ang mga mata pero walang dialogue. Ako naman, di ko pinapansin. Baka ma-sexual harassment ako, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO MORE SEXY PICTORIALS. Kung saka-sakali bang may offer ulit sa kanya to pose for a sexy magazine ay tatanggapin niya?



"I don't think tatanggapin ko kapag may offer na mag-pose ako sa FHM o sa ibang sexy magazine," sagot niya. "I don't think so kasi nagawa ko na 'yong pinaka-ultimate and I think isa ako sa kauna-unahang tumahak sa landas na 'yon. I don't think it will enhance my reputation or image as an educator. So tama na 'yon.



"Sa edad kong 45, ibang challenges naman 'yong gusto kong harapin. More intellectual 'yong challenge na hinahanap ko. Ngayon kasi, ang inaalala ko ay ang anak ko, ang mga estudyante ko. Maingat na ako sa mga ginagawa ko dahil alam ko na maaari itong gagayahin ng iba. So kung may gagawin man ako, 'yong hindi nila ikapeligro."



Kasama si Tetchie sa bagong handog ng Love Spell this month, ang "Hairy Harry" na pinagbibidahan nina Matt Evans at Melissa Ricks.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN