Robin Padilla is hopeful that Rustom will patch things up with his family


Ang pagkapanalo ni Rustom Padilla (nakatalikod)as Best Actor ang naging daan upang makausap nitong muli ang kapatid niyang si Robin. Naganap angmadamdaming tagpo sa 30th Gawad Urian Awards night sa Ateneo de Manila kagabi,September 13.


"Sigurongayon makikita na namin siya sa family gatherings," sabi ni Robin Padillapagkatapos nilang magkita ng kapatid na si Rustom Padilla sa 30th Gawad Urian Awards Night.

Nagingmadamdamin ang pagkikita at actual reconciliation ng magkapatid na Padillasa nakaraang Gawad Urian na ginawa kagabi, September 13, sa Henry Lee IrwinTheater sa Ateneo de Manila.

As last year's recipient of Best Actor for the movie La Visa Loca, si Binoe (palayaw ni Robin) ang naatasan namag-present ng kaparehong award ngayong taon kung saan nominado ang kanyang nakatatandang kapatid.

Nagwagisi Rustom para sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh at naka-tie niyasi Mark Gil as Best Actor para sa pelikulang Rotonda.

Dahilsa pag-amin noon ni Rustom ng kanyang kasarian noong bahagi pa siya ng PinoyBig Brother Celebrity Edition, nagkaroon ng gap ang magkapatid at lumayo narin si Rustom sa pamilya niya.

"Noonguna nagulat din ako sa pag-amin niya," paliwanag ni Robin paglabas ng auditoriumng Ateneo. "Hindi naman kami nakapag-usap kasi siya ang hindi nagpupunta sa mgafamily reunion namin, palaging hindi sumisipot."

Samismong stage nagkita at nagkabati ang magkapatid at malakas na palakpakan angbinigay ng audience sa pagyayakap nila.

Natuwasi Binoe na in-offer ni Rustom ang tropeo niya sa kanilang ina na si Eva CariƱona matagal nang hindi nakikita ang anak. Sinabi ni Rustom sa kanyang acceptancespeech na sosorpresahin niya ang kanyang ina upang ibalita ang kanyangpagkapanalo.

"Akonaman, kahit ano ang mangyari, kapatid pa rin siya. At masaya ako dahil sapagkapanalo niya. Napatunayan niya ang pagiging aktor niya kahit ano pa mansiya," pagmamalaki ni Binoe kay Rustom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN