New mom Meryll Soriano receives another blessing


Meryll Soriano failed to show up at the recently concluded Urian Awards, where she won as Best Supporting Actress for her performance in Rotonda. Her uncle, Mel Martinez, received the award on her behalf.



Hindi nakarating si Meryll Soriano sa 30th Gawad Urian noong Thursday, September 13, kung saan nagwagi siya bilang best supporting actress para sa pagganap niya bilang prostitute sa indie film na Rotonda. Ang tiyuhin niyang si Mel Martinez ang tumanggap ng kanyang trophy.

"Gustung-gusto talaga ni Meryll na um-attend pero hindi pa niya kaya at hindi siya papayagan ng doctor niya. Kailangan pa niya ng bed rest at nagpapa-breastfeed siya sa aking apo na si Elijah. O di ba? Lola na ako!" natatawang kuwento ni Mel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) right after the awards night.



"Ayaw sana ma-miss ni Meryll ang gabing ito, kasi nga ilang beses na siyang nanu-nominate, di ba? Pero importante ang alagaan niya ang sarili niya at ang kanyang baby. She's doing okay now at masayang-masaya siya. Heto nga't tinawagan na namin siya at tuwang-tuwa. Suwerte raw talaga si Elijah sa buhay niya."



Ipinaabot din daw ni Meryll through her Tito Mel ang kanyang pasasalamat sa mga independent film producers na kumukuha sa kanya at naniniwala sa kanyang talento bilang aktres. Napatunayan nga ang kahusayan ni Meryl sa mga indie films na Room Boy at Recados.



"If not for these producers, siguro hindi nila malalaman na mahusay na artista ang pamangkin ko," sabi ni Mel. "Malaki ang naging hirap ni Meryl sa paggawa ng Rotonda. Heto at maganda naman pala ang kapalit ng mga paghihirap niya."



Tinanong na rin namin si Mel kung kumusta na ang estranged husband ni Meryll na si Bernard Palanca. Okay na ba ang dalawa bilang mga magulang ni Elijah?



"In fairness, dumadalaw naman si Bernard kay Meryll," sabi ni Mel. "Mukhang okay naman silang dalawa. Nag-uusap naman sila regarding sa bata. Dapat lang naman, kahit for the baby's sake ay magkaayos sila.



"Siguro sila na ang makakasagot ng ibang katanungan regarding sa arrangement nila sa apo ko. Nangako naman si Meryll na kapag okay na siya, magpapa-interview siya sa media para malinawan na ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For the meantime, lukang-luka si Meryll kay Elijah. She's embracing motherhood very well. Kami man ay mahal na mahal namin ang baby niya. Magaganda yata ang mga lola niya, di ba?" sabay tawa ng malakas ni Mel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN