Matt Evans and Melissa Ricks—a couple for reel or real?


Are Melissa Ricks and Matt Evans already a couple? Last January, the Pedro Penduko star was firm in saying he's very loyal to his girlfriend of 15 months, former Pinoy Big Brother housemate Olyn Meimbian. But now, he's hinting that he and Melissa are more than just friends—what's the real deal?


“I agree,” pag-ayon ni Matt Evans sa sinabi ng ka-loveteam niyang si Melissa Ricks na naagaw na niya ang puso ng binata mula sa real-life girlfriend nito na si Olyn Meimban, na dating fellow housemate rin ng binata sa Bahay ni Kuya.

Ang maikling pahayag na ito ay galing mismo sa bibig ni Matt during the presscon ng “Lovespell Presents Hairy Harry” na magsisimula na ngayong Linggo, Setyembre 16 bago mag-“ASAP ’07.”

"Kasi mas madalas kaming magkasama. Hindi natin masabi kaya abangan na lang natin. Nothing is impossible. Sa closeness nga namin ngayon, nakakahiga na ako sa balita niya (Melissa),” lahad ni Matt.

Hindi naman itinatago ni Matt na matagal na niyang crush si Melissa.

“Sa dalas ng aming pagsasama, halos araw-araw magkasama kami, e, kaya kapag ‘di ko siya, nakikita nami-miss ko siya.”

For the first time, may kissing scene sina Matt at Melissa sa “Lovespell Presents Hairy Harry” na idinirek ni Nuel Naval. “Two days naming pinag-aralan yung...it’s up to her (kung kelan magpapahalik si Melissa).”

Bigla naman nalungkot si Matt nung kunin ang reaksyon niya sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang action-adventure fantasy series na “Pedro Penduko at ang mga Engkantao.”

“Unang-una po, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga nanoood. Syempre po nalungkot ako, pero masaya rin kasi napasaya namin ang mga tao. Doon kami nagkasama for more than a year ni Melissa. Apat na lang na script ngayon ang gagawin namin pero may bukas pa na script.



“Abangan nila ang ending kasi bonggang-bongga. Maiiyak sila at maiiyak din kami, kasi grabe ang bonding namin off-cam.”

Ipapalit sa “Pedro Penduko at ang mga Engkantao” ang “Super Inggo Book 2” na pagbibidahan ni Makisig Morales.

“At saka kasi may katapusan naman po talaga ang mga istorya. Paulit-ulit na rin po kasi ang mga nakakalaban namin,” ang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After “Pedro Penduko” may kasunod na ba siyang gagawin?

“Hindi naman kami pababayaan ng ABS-CBN. At kung mabibigyan po ng ibang show, gusto ko po sana sitcom. Gusto ko po talaga magkaroon ng sitcom.”

Excited din na pinaabangan ni Matt sa kanyang mga fans ang bagong billboard para sa isang clothing brand, kung saan siya ang bagong additional endorser nito.

“Magugulat kayong lahat kapag nakita ninyo ang billboard ko. Unat na ‘yung buhok ko doon,” sabay tawa ni Matt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN