Maryo J. de los Reyes turns down offer to direct remake of his film


"I don't want to touch my movies. Tapos na ako doon. Give me other materials to do, marami pa naman diyan. Okay lang sa akin na ako ang magdirek ng ibang remake but not my originals," explains director Maryo J. de los Reyes on his refusal to direct Saan Darating Ang Umaga, which he directed in 1983 and for which Maricel Soriano won her first acting trophy.



Naganap ang thanksgiving party for the cast and director ng magtatapos nang primetime soap ng GMA-7, Impostora, noong Saturday night, September 15, sa Finio restaurant, Quezon City.

Tapos na ang taping ng Impostora and like all the others, naghihintay na lang ang director nito na si Maryo J. de los Reyes ng next project niya, which will definitely be on GMA-7.

"May offers pero nothing definite yet," sabi niya.

Isa sa mga movies na nabili ng GMA Films sa Viva Films para gawing Sine Novela ay ang Saan Darating Ang Umaga? (1983) na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Raymond Lauchengco, Jaypee de Guzman, and the late Nida Blanca and Nestor de Villa. Idinirek ito ni Maryo at ito ang nagbigay ng unang acting award kay Maricel sa FAMAS as best supporting actress pagbalik niya bilang teen star.

Balitang kay Direk Maryo inalok ang remake ng Saan Darating ang Umaga? nguni't tinanggihan niya ito.

"Wala lang, basta," sabi ni Direk Maryo nang tanungin kung ano ang dahilan ng kanyang pagtanggi.

"I don't want to touch my movies. Tapos na ako doon. Give me other materials to do, marami pa naman diyan. Okay lang sa akin na ako ang magdirek ng ibang remake but not my originals," paliwanag niya.

Ang isang siguradong gagawin ni Direk next year ay ang Bagets 3.

"Iyon, okay lang sa akin, hindi naman remake, continuation lang," sabi ni Direk Maryo. "It will be produced by Viva Films and Bagets Foundation at lahat [ng original cast] magsisibalikan to do this. It's called Bagets 3: The Reunion. Sila-sila pa rin. Pati si JC [Bonnin] babalik from the States."

May ilang kinuwentong parts si Direk Maryo, like kung ano ang nangyari sa ilang cast. Herbert Bautista's role will be an unmarried father. Ramon Christopher's character will own a car shop and this time ka-love triangle niya ang mismo niyang anak. But some plot points, off the record muna, tulad ng kay Yayo Aguila na namatay sa ikalawang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang nasa cast ng Bagets ay sina Aga Muhlach, William Martinez, Eula Vadez, Raymond Lauchengco, Francis M., Jobelle Salvador, Cheska Inigo, to name a few.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN