"StarStruck 3" runner-up Iwa Moto plays villain again in "Zaido"


"Kung ‘yon ang line ko, doon ako. Kung saan ako tatanggapin, doon naako. Gusto ko rin namang magbida, pero kung ano ang tatanggapin saakin, ‘yon ang sa akin. Work is work," says Iwa Moto about playing villain roles.



Nagsusunod-sunod na rin ang break ng StarStruck 3 First Princess na si Iwa Moto sa GMA-7. Pagkatapos ma-cover sa FHM December 2006 issue, sinubukan naman si Iwa sa back-to-back primetime shows ng Kapuso network, ang Super Twins at Bakekang.

Ngayon ay gumaganap siya bilang kontrabida sa Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap. Ka-love triangle niya rito sina Dennis Trillo and Nadine Samonte, na gaya ni Iwa ay mapapanood hindi lang sa hapon kundi sa gabi na rin. Kung si Nadine ay nasa Marimar, sina Iwa at Dennis ay kasama naman sa Zaido: Pulis Pangkalawakan na papalit sa Impostora starting next week.

Sa Zaido ay gagampanan ni Iwa ang isa sa "war girls" ni Drigo, played by Jay Manalo. Si Iwa ang Amazonang Itim. Ayon kay Iwa, hindi naman siya natatakot na ma-typecast sa contravida roles.

"Kung ‘yon ang line ko, doon ako. Kung saan ako tatanggapin, doon na ako. Gusto ko rin namang magbida, pero kung ano ang tatanggapin sa akin, ‘yon ang sa akin. Work is work," sabi ni Iwa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Station 168 Internet Café.

Samantala, mariin ding itinanggi ni Iwa ang napabalita sa isang pahayagan na nagkabalikan na sila ng kanyang ex-boyfriend na si Yexel Sebastian.

"Hindi, tsismis lang ‘yan," sabay tawa ni Iwa. "Una, ayaw ko na sa kanya. Ikalawa, ayaw niya na rin sa akin. Ikatlo, hindi na puwede."

May girlfriend na raw si Yexel. Ang bagong girlfriend pa nga raw ni Yexel ang tumawag sa kanya to confirm their relationship.

"Bakit mo ako tinawagan?" tanong daw ni Iwa sa girl. "E, pinatawag ako ni Yexel, e," sagot naman ng kausap. So napa-‘Ah ganoon' na lang si Iwa.

Walang boyfriend si Iwa ngayon dahil wala raw siyang time. Marami raw siyang boyfriends, as in lalaking kaibigan, pero walang boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron namang nanliligaw kaya lang ayoko pansinin," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN