Movie queen Gloria Romero recalls glorious years in the industry


"I'm simply grateful that I can still work and that production outfitsstill hire my services. At least, inabutan ko pa ang henerasyon ninyongayon," says Ms. Gloria Romero.



The longest-reigning movie queen and still regal at 74, Ms. Gloria Romero is the ideal showbiz icon.

She still possesses classic beauty despite the lines on her her face, and yes, the charm that has always endeared her to the Philippine movie and TV industry.

"Nakakatuwa naman na makilala ang mga mga bagong manunulat. I am truly amazed by your knowledge of our movie industry," bati ni Ms. Gloria sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya during the break of Bahay Kubo pictorial last Sunday, September 16.

Ms. Gloria had fun recalling her glorious days in the industry and the difference between the entertainment writers then and now.

"Although masasabi kong mas nakikilala ko ang mga writers noon, that does not mean naman that I don't enjoy reading the things that you write about us and the industry in general. Isa na marahil sa malaking pagkakaiba ay yung pag-aalaga ng mga home studios namin, kaya siguro medyo sheltered kami pagdating sa mga showbiz issues, mga intriga," paliwanag ng movie queen of the '50s and '60s.

Ms. Gloria cited Regal Films as a classic example of how artists like her easily have access to showbiz writers and reporters despite fewer movies today.

"Walang ipinagkaiba ang paraan ng pamamalakad ni Mother Lily [Monteverde] sa paraan nung panahon namin. Inilalapit talaga niya ang mga artista sa media para gawing tagapamagitan sa mga televiewers o moviegoers. And the thing is nakakaaliw na makinig at makipag-usap sa mga gaya ninyo dahil marami din kaming napupulot sa inyo," sabi ni Ms. Gloria.

Sa halos anim na dekada na ay nagrereyna pa rin ang isang Gloria Romero. ‘Ika nga ng mga beteranong manunulat na nakatrabaho at nakakakilala sa veteran actress, "endangered specie na siya."

Unlike the reigning queens and princesses of today's generation, hindi nasangkot sa anumang matitindi at mga pangit na kontrobersiya si Ms. Gloria. Ayon sa kanya, "gawa marahil ng klase ng disiplina na itinuro sa amin noong araw ng mga home studios namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinahagi ni Ms. Gloria na istrikto sila noon sa pagsunod sa mga patakaran at maging sa mga kapwa artista nila ay pina-practice ang mga values gaya ng "pakikisama, sakripisyo, at propesyonalismo."

"Natatandaan ko pa noon na kapag may ginagawa kaming movie project, nag-i-impose kami ng penalty system sa mga nale-late o hindi nakakarating sa trabaho. Lahat naman ay sumusunod," pagbalik-tanaw pa ni Ms. Gloria.

FROM MOVIES TO TV. Nang humina ang produksiyon ng pelikula noong ‘90s, napunta si Ms. Gloria sa telebisyon at nakalikha ng mga karakter sa TV sitcoms na klasiko nang matatawag ngayon.

Naging bahagi na ng telebisyon ang mga karakter niya bilang isang lasenggang ina gaya sa Palibahasa Lalake, hanggang sa isang makulit na lola sa Pedro Penduko, at marami pang iba.

"I'm simply grateful that I can still work and that production outfits still hire my services. At least, inabutan ko pa ang henerasyon ninyo ngayon," ang masaya niyang sabi.

Kuwento pa ni Ms. Gloria, "marunong" din siyang mag-Internet at gumamit ng mga bagong produkto ng teknolohiya gaya ng cell phone at laptop.

"Tinuruan ako ng apo ko [Chris Gutierrez na cast member ng ABS-CBN show na Lovespell], pero hindi pa ako bihasa," dagdag niya.

NEW MOVIE. Kasama ni Ms. Gloria sa Bahay Kubo sina Maricel Soriano, Eric Quizon, Marian Rivera, Shaina Magdayao, Yasmien Kurdi, Mark Herras, Rayver Cruz at iba pa. Ang naturang pelikula na idinidirek ni Joel Lamangan ay official entry sa 2007 Metro Manila Film Festival.

"Siyempre, isa akong mabait na lola dito. Anak ko si Maricel na nag-ampon naman ng napakaraming mga bata kahit na isa lang siyang tindera sa palengke. Maganda ang kuwento at tiyak na maraming Pilipino ang makaka-relate, lalo pa't ang tema nito ay ang pagiging maligaya ng isang buong pamilya under one roof kahit bahay kubo pa," kuwento ni Ms. Gloria tungkol sa bago niyang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Bahay Kubo ang muli nilang pagsasama ni Maricel sa pelikula since ginawa nila ang Anak ni Waray vs. Anak ni Biday dalawampu't tatlong taon na ang nakararaan.

"Mga teenager pa sila noon ni Snooky [Serna]. Kasama namin si Nida [Blanca] at isa ‘yon sa pinakamasasayang sandali namin," pagsasariwa pa ni Ms. Gloria tungkol sa naturang pelikula.

Bagama't ngayon lang sila nagkasama ulit sa pelikula, never naman daw na nagkaroon ng gap ang close relationship niya kay Maricel dahil madalas din silang nagkakasama sa mga TV shows.

Hangang-hanga raw siya sa narating ni Maricel sa kanyang buhay ngayon at sa pagsikat niya sa showbiz.

Samantala, nang hingan naman ng PEP si Ms. Gloria ng komento tungkol sa kalagayan ngayon ni Snooky, na itinuturing din niyang anak sa industriya, isang maluwalhating pagbabahagi ng dasal ang unang nasambit nito.

Hindi pa raw sila nagkikita o nagkakausap ni Snooky, pero ipinapalangin niyang malampasan ng dating teenage superstar ang mga problemang kinakaharap nito sa ngayon.

"Nandito lang naman kami para sa kanya. But I know her to be a strong-willed person. Let's help her pray at sana nga ay magkaroon din siya mga projects," paghahangad ni Ms. Gloria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN