Ex-housemate Jason Gainza explains absence of ABS-CBN executives at PBB concert


Former Pinoy Big Brother Season 1 housemate and Trip na Trip co-host Jason Gainza is very grateful for all the blessings in his career. He says, "Siguro suwerte po ako sa handler ko at sa manager ko. Siguro po sinusuwerte lang ngayon."


Sa nakaraang concert ng Pinoy Big Brother Season 1 housemates, ang Housemates: Tuloy Pa Rin ang Buhay sa Mas Pinalaking Bahay, kapansin-pansin na hindi dumalo ang mga top executives ng ABS-CBN na siyang nagpapalabas ng Endemol-franchised reality show program sa telebisyon.

Kaya naman nang makita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jason Gainza, isa sa mga housemate ng PBB, sa presscon ng Lastikman sa Teatrino, Greenhills kagabi, September 19, ay agad namin siyang hiningan ng paliwanag ukol dito.

Ayon kay Jason, naimbitahan lahat ng bigwigs ng ABS-CBN, kasama na si Direk Lauren Dyogi, ang in-charge sa production ng Pinoy Big Brother. Subalit hindi na raw nakapunta ang iba dahil sa mga nauna nang schedule ng mga naimbitahan.

Paliwanag ni Jason, “Nagkataon lamang po na kasabay nung concert… Si Direk Lauren [Dyogi] may audition po sila. Hindi naman po nila maiwanan ang PBB (Pinoy Big Brother), PBB Celebrity, at PDA (Pinoy Dream Academy). Hanggang gabi yata 'yon kaya hindi sila nakapunta.

“Si Nene [Tamayo] po ang nag-invite po [sa mga top executives]. Hindi po namin alam [kung bakit hindi sila nakarating]. Pero sumuporta naman po si Direk Johnny Manahan kasi siya po bale ang direktor noong TV concert.”

Sa bandang huli, siniguro ni Jason na hindi nila kinalimutan ang mga executive ng ABS-CBN.

UMA VS. WENDY. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon upang kunan ng reaksiyon si Jason tungkol sa palitan ng mga salita sa pagitan ng dating housemate at Trip na Trip co-host niya na si Uma Khouny at ang PBB Season 2 housemate na si Wendy Valdez.

Matatandaan na kamakailan ay nagsagutan sina Uma at Wendy sa magkaibang TV interviews dahil sa comment ni Uma na si Wendy ang “pinaka-plastic” among the PBB Season 2 housemates. Bagay na sinagot naman ni Wendy ng: "Sana huwag na lang maki-ride si Uma."

Para kay Jason, naging totoo lamang si Uma sa kanyang mga pahayag. Aniya, “Yung intriga kasi kay Uma na nabanggit nga niya si Wendy, kasi opinyon naman niya 'yon. Kasi Israeli si [Uma], kasi iba-iba ang ugali. Siyempre iba-iba yung ugali, di ba? Kung papaano mo sasabihin at kung ano ang sinabi mo. Siguro hindi naman niya sinasadya, kasi yun ang tanong, e. Kapag si Uma, sumasagot talagang direct to the point, prangka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, hindi masisisi ni Jason si Wendy sa pagsagot kay Uma dahil natural naman daw sa ilang mga babae ang sumagot lalo na kung nasaktan ito.

Pero umaasa pa rin si Jason na matapos na ang away sa pagitan nina Uma at Wendy.

“Minsan nga pinagsasabihan din namin ni Ate Kat [de Castro, Uma’s co-host in Trip na Trip] si Uma na pangit tingnan kapag may kaaway ka. Siguradong makikilala ka, pero hindi 'yon maganda," sabi ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN