Mariel Rodriguez reacts to Joey de Leon's condition before he accepts Willie's apology


"Let me clarify na hindi ako umiyak, I was not crying. That's not my battle so I cannot really comment on anything. Pero ang sa akin, I was not crying, so mali ang sinasabi niya," reacts Mariel Rodriguez about Joey de Leon's condition that Willie Revillame should repeat the same scene he did before with Mariel and Valerie Concepcion crying beside him.



Isa sa mga kundisyong ibinigay ni Joey de Leon upang tanggapin niya ang paumanhin ni Willie Revillame ay kung uulitin ng host ng Wowowee ang ginawa nitong pag-iyak sa gitna ng entablado at sa harap ng kamera habang may umiiyak na dalawang babae sa kanyang tabi. Ang dalawang babae na tinutukoy ni Joey ay ang co-hosts ni Willie sa Wowowee na sina Mariel Rodriguez at Valerie Concepcion.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Mariel sa dressing room ng Wowowee ay hiningan namin siya ng reaksiyon tungkol sa kundisyon na ibinigay ni Joey.

"Let me clarify na hindi ako umiyak, I was not crying," paglilinaw muna ni Mariel. "That's not my battle so I cannot really comment on anything. Pero ang sa akin, I was not crying, so mali ang sinasabi niya."

Sa actual footage ng Wowowee kung saan nagsalita si Willie laban kay Joey at sa Eat Bulaga! ay lumapit sina Mariel at Valerie sa bandang huli upang pakalmahin si Willie. Dala siguro ng emosyon ay napaluha rin si Valerie samantalang tahimik lamang si Mariel sa kabilang dulo.



"Siyempre, kasama kami sa show. Pag sinabi niya [Joey] na nandaya siya [Willie], siyempre dawit kami. Kahit na ano ang mangyari, kahit hindi niya sabihin, kaming dalawa ni Val kasama talaga kami because we're part of the show," sabi ni Mariel.

According to Mariel, napanood niya mismo ang pahayag ni Joey tungkol sa kanyang kundisyon.



"Napanood ko. Sabi niya, the only way daw na he'll forgive Willie is if uulitin niya ang ginawa niyang umiyak sa gitna na may dalawang babae na umiiyak din. Sa ibang countries daw kasi walang TFC [The Filipino Channel] ang GMA, they will all think daw that he's [Joey] evil person, siya yung demonyo... Para at least daw ma-save ang pangalan niya," lahad ni Mariel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilinaw ni Mariel na wala siyang anumang sama ng loob kay Joey. Sa katunayan nga raw ay natatakot siya sa veteran comedian-TV host dahil baka siya ang tirahin nito.

"Hindi ako galit or whatsoever, he's an old person and I respect him," sabi ni Mariel. "Kung ganun siya, di ganun siya. As long as na hindi naman niya ako inaano in a personal level. Actually, natatakot nga ako na tirahin niya because I wil feel bad kasi trabaho lang naman ang lahat. It's just a job."



"Saka siguro na-hurt din siya. Actually, I don't know. I don't know him 'saka lagi ko namang sinasabi, it's not my battle," diin ng TV host.

Balita na may mga tagahanga raw ang Wowowee na sumulat at nagsabing sana ay huwag namang idamay ni Joey sina Mariel at Valerie sa mga pagpaparinig nito laban kay Willie at sa noontime show nila. Mariel expressed her gratitude sa mga taong nagpakita ng concern sa kanila.

"Sobrang thankful ako sa kanila 'saka sana di sila magsawa na sumuporta sa Wowowee. Thank you talaga," sabi niya.



ZANJOE MARUDO. Samantala, sa kabila ng pagkaka-link ni Mariel kay Luis Manzano ay hindi naman mamatay-matay ang usap-usapan tungkol sa kanila ni Zanjoe Marudo. According to Mariel, wala pa silang relasyon ng model-actor kaya wala pa siyang aaminin. Pero kung tatanungin siya kung mahal ba niya si Zanjoe, hindi niya raw ito ide-deny dahil ito ang totoo niyang nararamdaman.



"We're friends, he will always be my friend," sabi ni Mariel. "Alam mo kung kami talaga, bakit ko naman ide-deny? Pero hindi talaga, e. I think mali lang ang mga tanong ng mga tao. If people ask me if I care for the person, I'll say I do care for the person, I love the person.



"But right now, it's not yet time for that. Nagsisimula pa lang siya sa career niya; ako, slowly pa lang nagpu-progress yung career ko. So hindi pa talaga panahon," paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniisip ng mga tao na mauuwi sa isang mas malalim na relasyon ang paglabas-labas at closeness nina Mariel at Luis. Hindi ba nasaktan si Mariel na dumating lang si Angel Locsin sa ABS-CBN ay mukhang nawala na siya sa prayoridad ni Luis, lalo't umamin si Mariel na nabawasan na ang closeness nila ni Luis at hindi na siya nadadalaw nito?



"Hindi ako na-hurt kasi alam ko na friends lang talaga kami. If maybe siguro I like him o gusto ko ng more than friendship, mahe-hurt ako. Pero kaibigan nga lang talaga ang turing ko kay Luis. I think it was just para na-hype up lang, nabigyan ng too much attention yung closeness namin na di naman talaga kailangan," paliwanag niya.

Sinabi rin ni Mariel, kahit na manligaw sa kanya si Luis ay hindi pa rin niya ito sasagutin.



"No, because me and Toni [Gonzaga] are friends. He [Luis] went out with Toni before. I had the same issue with Bianca [Gonzales], so ganun na naman ako, ayoko na," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN