Dawn Zulueta accepts role as Vhong Navarro's mother in "Lastikman"


"Okay rin lang, kasi mukha namang ten years old din si Vhong!" jokes actress Dawn Zulueta about portraying the role of Vhong Navarro's mother in ABS-CBN''s fantaserye, Lastikman.



Masaya si Dawn Zulueta sa pagiging Kapamilya niya. Alam ng marami na mapili sa projects si Dawn at marami rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit pumayag siyang sumuporta kay Vhong Navarro sa Lastikman, ang bagong fantaserye ng ABS-CBN.



"Unang-una, gusto ko yung role kahit maiksi lang. Sabi nga nila, there are no small roles. Which is true, dahil importante ang role ko rito, yung back-story ng characters namin ni Tonton [Gutierrez], kasi kami yung parents ni Migz [Jairus Aquino], na nang lumaki, siya na si Vhong Navarro," paliwanag ni Dawn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Lastikman last Wednesday, September 19, sa Teatrino Greenhills.



Mayroon pa kasing naka-pending na offer ang ABS-CBN for Dawn to star in a drama series. Umaasa si Dawn na mapaplantsa ang tungkol dito sa pakikipag-negotiate na rin ng kanyang manager na si Boy Abunda.



"Pero itong sa Lastikman, happy ako kasi lumalaki na si Jacobo at nakakapanood na ng TV. He would be very happy to see me in this kind of TV show, pati na rin yung maraming bata, na siyang target audience namin," pahayag ng aktres.



Wala naman daw naging problema sa mister ni Dawn na si Congressman Anton Lagdameo sa muling pag-apir ni Dawn regularly on TV.



"Maayos kasi ang schedule. Besides, sa umpisa lang ako halos mapapanood. Tapos susulpot sa gitna, and the part kung kailan matatapos na ang series," ani Dawn.



"Ito nga ang gusto ni Anton na ginagawa ko. He knows that I really love acting. Although, for a time, nasisiyahan na akong nag-aasikaso ng pamilya. As in full-time housewife ako and mother to Jacobo. Just the same, natutuwa si Anton kapag nagbibigay rin ako ng atensiyon sa ibang bagay, which will provide me personal and professional growth."



WORKING WITH DAWN. Isa si Dawn sa mga aktres na nagugustuhan ng ABS-CBN na magtrabaho sa kanila. Very professional kasi ang aktres. Maski noong wala pang regular series kung saan tampok si Dawn, lagi siyang laman ng iba't ibang talk shows, pati na ng natatanging episodes sa Maalaala Mo Kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kaya nagtataka si Dawn kung bakit may kumalat na balita na kesyo noong nagtatrabaho siya sa GMA-7 ay naging problema raw siya sa set.



"Kelan naman daw nangyari 'yan?" pagkibit-balikat ni Dawn. "At saka bakit ngayon lang lumalabas 'yan kung totoo nga? Ayokong mag-isip na pati ako madadawit pa sa network war. Hindi naman siguro nila ako kailangan pa para sa ganyang klaseng controversy.



"Ayokong sagutin ang ganyang accusations dahil hindi rin ako sigurado. Pero wala akong natatandaang insidente na nag-inarte ako, o naging sakit ng ulo. Never na ganyan ang image ko, mula nang pumasok ako sa showbiz. I deal with people professionally, kaya siguro dumarating pa rin sa akin ang ganitong klaseng mga trabaho," mariin niyang sabi.



Kung si Dawn ang tatanungin, ayaw niyang patulan ang ganitong anggulo ng mga balita, lalo't maganda naman ang pagsisimula niya sa Lastikman.



"Tama na yung masaya ang mga katrabaho ko sa ipinapakita ko sa set," sabi ni Dawn. "I make sure naman na matino ang pagtatrabaho ko dahil ayoko ring nagkakaroon ng mga ganyang negatibong napapag-usapan."



Hindi rin daw basta nagpapaniwala si Dawn sa ganitong mga paninira. Naging mabuti naman daw ang mga taga-GMA-7 sa kanya noong panahong nagtatrabaho siya roon.



"Kung tapos na ang commitment ko sa Dos, and if there's a substantial offer from GMA-7, why not? Hindi naman ako exclusive. Pero siyempre, with due respect, habang may regular series ako sa Dos, dito na muna ako.



"I would be happy working again for GMA-7. Wala naman sigurong problema," sabi ni Dawn, na napanood sa telefantasya ng Kapuso network na Encantadia.



Paano siya napapayag na gumanap bilang ina ni Vhong sa Lastikman?



"Nasa back story kasi ako, noong young pa si Vhong, si Jairus Aquino ang magpu-portray ng role niya as Migz.



"Jairus is very young, wala pa yata siyang ten years old. Ang nai-set ko kasi riyan, hindi ako tatanggap ng mother roles kung ang gaganap na anak ay more than ten years old, or teenager na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kasi, sa istorya, ako yung mother ng young Migz. Pero siyempre, as he grows up, ako na ang magiging nanay ni Vhong. Okay rin lang, kasi mukha namang ten years old din si Vhong!" at saka natawa si Dawn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN