Sunshine Cruz squeals on husband Cesar Montano's return to Kapamilya network


At the presscon of Lastikman, Sunshine Cruz told PEP that her husband, actor-director Cesar Montano, will make a television comeback via several projects in ABS-CBN. As for Sunshine, she is part of the fantaserye Lastikman and she is also included in the cast of a new soap opera.



For the first time ay tumanggap ng kontrabida role sa isang fantaserye ang nagbabalik na dramatic actress na si Sunshine Cruz. Ito ay sa Lastikman na pagbibidahan ni Vhong Navarro sa ABS-CBN.



"Pinipili ko lang din kung ano yung mga tatanggapin kong offer. E, exciting para sa akin ang role ko sa Lastikman at hindi naman ganun katagal yung pagti-taping for my role," kuwento ni Sunshine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Lastikman last Wednesday, September 19.



Kuwento ni Sunshine sa kanyang role bilang ex-beauty queen na si Mothra, hirap na hirap daw siyang tumawa ng isang malanding tawa na mala-butterfly.



"Mahina kasi ang sound ng tawa ko kaya winorkshop pa ako ni Buboy [Cesar Montano, her husband]. Tinuruan niya ako kung paano ang tamang pagtawa for my role. Inabot na ako ng magdamag sa pagma-master ng pagtawa for my role. Kaya ang resulta kinabag ang byuti ko!" natatawang kuwento ni Susnhine.



Ang Lastikman ay simula pa lang ng mga proyektong gagawin ni Sunshine sa ABS-CBN. May dalawa pa raw siyang kasunod na projects. Una na rito ang teleserye nina Maricel Soriano, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Ai-Ai delas Alas.



Masayang ring ibinalita ni Sunshine na magbabalik din sa ABS-CBN ang kanyang mister na si Cesar Montano. Tatlong big projects ang nakatakdang gawin ni Cesar sa Kapamilya network.

Bagama't gusto pang magkuwento ni Sunshine tungkol sa mga gagawin ni Cesar sa ABS-CBN ay pinigil muna niya ang sarili. Ayaw niya raw i-preempt ang kanyang mister na baka maging dahilan pa ng kanilang pagkakagalit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN