Alex Gonzaga engaged to boyfriend Mikee Morada

by Rachelle Siazon
Jan 16, 2020
Alex Gonzaga and boyfriend Mikee Morada share the news of their engagement with family and close friends, as the actress-vlogger celebrates her 31st birthday today, January 16.
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram

"We're engaged."

Ito ang masayang inanunsiyo ng magkasintahang Alex Gonzaga at Mikee Morada sa intimate 31st birthday celebration ng actress-vlogger ngayong Huwebes, January 16.

Nagtipon ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ni Alex sa isang private dining room sa Sofitel Philippine Plaza Manila.

Naroon din ang mga magulang ni Mikee, na isang konsehal sa Lipa, Batangas.

Magkatabi sina Alex at Mikee nang kantahan ng "Happy Birthday" ang dalaga, sabay abot sa kanya ng birthday cake.

Pagkatapos hipan ang birthday candle, masayang sinabi ni Alex: "I'm engaged!"

Sinegundahan ni Mikee ang anunsiyo ni Alex. Matapos noon ay panay na ang tukso sa engaged couple.

Matamis ang ngiting sinabi naman ni Mikee: "We're engaged."

Base ito sa videos na ibinahagi sa Instagram Stories ng best friends ni Alex na sina Jean Victorio at Kathleen Betito.

May nagtanong sa ina ni Alex, na kilala sa showbiz circles bilang Mommy Pinty, kung "naiiyak" daw ba ito.

Continue reading below ↓

Sagot ni Mommy Pinty, "No, I'm happy."

Tuwang-tuwa rin ang nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni at anak nitong si Seve na kasama sa party.

Kuwelang biniro naman ni Alex ang mga magulang ni Mikee na nakaupo malapit sa kanila.

"Mom and Dad!" natatawang tawag ni Alex sa mga ito.

Sa videos ay makikitang suot ni Alex ang engagement ring na may malaking diamond stone sa kanyang kaliwang kamay.

Continue reading below ↓

ALEX'S HAPPY ANNOUNCEMENT

Ginulat naman ni Alex ang kanyang Instagram followers nang i-post niya ang litrato nila ni Mikee, kunsaan kapansin-pansin ang diamond ring na nakasuot sa kanang kamay ng dalaga.

Mahigpit na nakayakap si Alex kay Mikee at nakadantay ang kamay sa dibdib ng binata kaya prominente ang singsing.

Pero simple lang ang caption ni Alex: "Thank you for all your birthday greetings! I feel LOVED. Thank you Jesus! Vlog tomorrow."

Continue reading below ↓

CELEBRITY REACTIONS

Ang madalas kakulitan ni Alex na si Luis Manzano at girlfriend nitong si Jessy Mendiola ang ilan sa mga artistang nag-comment sa post.

Sabi ni Luis, "Congrats Ate and Mikee!"

Kinilig naman sina Julia Barretto, Yassi Pressman, at Rayver Cruz na todo exclamation points ang mensahe kay Alex.

Continue reading below ↓

Excited din sina Kim Chiu, Bianca Gonzalez, Dianne Medina, at Liz Uy para sa newly engaged couple.

THREE YEARS TOGETHER

Nagkakilala sina Alex at Mikee sa tulong ni Piolo Pascual.

Minsan nang inamin ni Mikee na crush niya si Alex, at madalas na tinitingnan sa Instagram.

Kaya kinausap daw ni Mikee ang kaibigan niyang si Piolo na ipakilala siya kay Alex.

Continue reading below ↓

Pitong buwang nanligaw si Mikee kay Alex bago siya sinagot ng dalaga.

Noong October 31, 2019, ipinagdiwang nina Alex at Mikee ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga and boyfriend Mikee Morada share the news of their engagement with family and close friends, as the actress-vlogger celebrates her 31st birthday today, January 16.
PHOTO/S: @cathygonzaga Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results