ABS-CBN's "Lastikman" and GMA-7's "Zaido" premiere on different timeslots


The expected face-off between ABS-CBN's Lastikman (left) and GMA-7's Zaido (right) will not happen tonight as the two new shows appear on different timeslots.



Magpa-pilot tonight, September 24, sa Telebabad block ang bagong telefantasya ng GMA-7 na Zaido: Pulis Pangkalawakan starring Dennis Trillo, Marky Cielo, and Aljur Abrenica.

Ngayong gabi rin ang pilot sa Primetime Bida block ng ABS-CBN ang bago nitong fantaserye na Lastikman ni Vhong Navarro.

But do not expect a collision between the two new soaps dahil hindi sila magkatapat ng oras.

Ang Zaido ang magiging anchor ng GMA-7's Telebabad block following the primetime news program 24 Oras. Susundan ito ng Mga Mata ni Anghelita, then ng Marimar, at magtatapos sa Jumong. Naurong ang Anghelita dahil mas pambata ang dating ng Zaido, na base sa metal action hero series na Shaider.

Samantala, mauuna pa rin ang Kokey sa ABS-CBN Primetime Bida block following the news program TV Patrol World. Susundan ito ng Lastikman, then Ysabella, at panghuli ang Sine Serye na Natutulog Ba Ang Diyos. Bumaba naman sa pre-primetime ang Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino bago ang TV Patrol World. Mas pambata pa rin ang dating ng Kokey kaysa Lastikman, na hinango naman sa superhero character na pinasikat ni Vic Sotto.

Kaya ang mangyayaring tapatan, dalawang extraterrestrials (Zaido at Kokey), dalawang fantasy stories from different materials (radio show ang Mga Mata Ni Anghelita at comics naman ang Lastikman), dalawang drama (Marimar at Ysabella), at isang movie remake versus isang canned Koreanovela (Natutulog Ba Ang Diyos at Jumong).

Samantala, sa tapatang Lastikman at Mga Mata Ni Anghelita ay kapansin-pansin na dalawang artista sa Anghelita ay nasa Lastikman din. Malapit nang magtapos ang Anghelita ng Kapuso network kung saan kasama sina Tonton Gutierrez at Ian Veneracion, samantalang kasama rin sila sa magsisimula pa lang mamayang gabi na Lastikman. Hindi siguro na-anticipate nina Tonton at Ian na sa pagtanggap nila sa Lastikman ay makakatapat nito mismo ang Anghelita.

Anyway, siguradong marami pa rin ang mag-aabang kung sino ang maghahari sa ratings, lalo na sa pagitan ng dalawang bagong telefantasya/fantaserye ng dalawang higanteng TV networks sa bansa—ang Lastikman ng ABS-CBN at ang Zaido ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN