Singer Jay-R Siaboc plunges into acting via "Pangarap na Bituin"


"Noong una, conscious ako sa kamera pag umaarte kasi nahihiya pa ako. Pero binibigyan nila ako ng advice na maging natural lang pag nakaharap sa kamera. After nun, komportable na rin ako pag nagte-taping na kami," narrates singer Jar-R Siaboc about his acting experience in Pangarap na Bituin.



Suwerte ang Pinoy Dream Academy (PDA) first runner-up na si Jay-R Siaboc dahil nabigyan na siya ng break to act on television via Pangarap na Bituin ng ABS-CBN. Kasama niya sa drama sina Jericho Rosales, Sarah Geronimo, Rica Peralejo, at Maja Salvador.



Hindi raw akalain ng binatang singer na taga-Cebu na matutupad ang pangarap niyang maging artista. Nang sumali kasi siya sa PDA ay inasam lang niyang makikilala as singer. But luckily, he was given a chance to prove his talent as an actor.

"Sorpresa talaga ang pagkakasali ko sa teleseryeng ito. Noong una, conscious ako sa kamera pag umaarte kasi nahihiya pa ako. Pero binibigyan nila ako ng advice na maging natural lang pag nakaharap sa kamera. After nun, komportable na rin ako pag nagte-taping na kami," kuwento ni Jay R sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mini-presscon na ibinigay ng Dream Big Productions.

Binibigyan ba siya ng tips ni Jericho when it comes to acting?

"Lagi kaming magkasama sa eksena ni Jericho and very supportive naman siya. Ang tip na ibinigay niya sa akin is to be natural sa pag-arte at dapat ko raw i-feel sa sarili ko yung character ko. Nawala na rin ang takot ko ngayon. Basta ang importante, pumapasa ang acting ko sa direktor namin. Nakakatuwa nga rin po dahil pag nasa labas ako, Jeffrey [character niya sa Pangarap na Bituin] na ang tinatawag sa akin ng mga tao," kuwento ng binatang singer.

CHARITY CONCERT IN CEBU. Samantala, excited si Jay-R sa nalalapit niyang charity concert sa September 28 sa kanilang bayan sa Barangay Awihaw, Toledo, Cebu. Siya raw ang personal na nag-organize nito para maipagawa ang kanilang chapel doon.

"Naisip ko ang project na ito para maka-raise kami ng fund sa pagpapagawa ng chapel. Marami na akong kinausap para mag-sponsor at tumulong sa show kong ito. Million daw ang gagastusin para sa chapel namin kaya nga gusto ko sana sumali sa Wowowee, Deal or No Deal, o kaya sa 1 vs. 100. Baka sakali kasing suwertehin akong manalo at mapapagawa ko tiyak agad yung chapel," sabi ni Jay R.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumaki sa hirap si Jay-R at napilitan siyang tumigil sa pag-aaral upang matulungan ang kanyang pamilya sa paraang alam niya—ang pagkanta at pagsayaw. At sa lahat ng blessings na dumarating sa binata ay lagi niyang nasasabi sa kanyang sarili ang mga katagang "Hindi ko talaga akalaing mangyayari ang lahat ng ito sa akin."

Nang manalo siyang first runner-up sa PDA, ano ang ginawa niya sa napanalunan niya?

"Pinaayos ko po ang house namin sa Cebu, binayaran ang mga utang namin, at ngayon nagre-rent ako ng maliit na condo dito sa Q.C.," sabi niya.

Happy rin si Jay-R dahil pumirma uli siya ng panibagong contract sa Dream Big Productions, kasabay nina Yeng Constantino at Ronnie Liang. Ang ibang scholars ay binitawan na ng Dream Big dahil priority nila ang Top 3 ng PDA.

May nabago ba sa kanya ngayong kilala na siya as a singer and actor?

"Ako pa rin yung Jay-R na dating nakilala ng mga kaibigan ko sa Cebu," diin niya. "Kapag umuuwi ako doon, bonding pa rin kami ng mga kabarkada doon. Siyempre nami-miss ko pa rin yung mga dati naming ginagawa.

"Lagi kong sinasabi at pinaaalala sa sarili ko na kailangan kong lumingon sa aking pinanggalingan dahil kung wala 'yon ay hindi ako magiging matatag sa pagharap ng hamon ng buhay. Given a chance, gusto ko ring ipagpatuloy ang studies ko. Gusto ko nga pong mag-pari dati, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN