Young actress Alynna Asistio turns sweet 16 today


Alynna Asistio, daughter of former actress Nadia Montenegro and politician Boy Asistio, celebrates her 16th birthday today.



Young actress Alynna Asistio turns 16 today, September 27, at isang maliit na party lang daw ang gusto niyang maging celebration, kasama ang mga close friends in and out of showbiz at ang kanyang pamilya.



Ang wish ni Alynna ay magkaroon na siya ng TV show after Mga Mata ni Anghelita, na magwawakas na sa isang linggo.



Kung tutuusin ay sunud-sunod naman ang naging trabaho ni Alynna sa GMA-7 at sa QTV-11. Nagsimula siya sa teen show na Candies, kasama sina Wyn-Wyn Marquez at Moira Estrada. Sumunod ay ang sitcom na Who's Your Daddy Now? with Joey Marquez and Raymart Santiago.



Pero mas nag-enjoy raw si Alynna sa taping ng Mga Mata ni Anghelita dahil mas marami siyang naging kaibigan. Ito ay sa kabila ng kabadung-kabado ang kanyang ina, si Nadia Montenegro, dahil malayo ang location ng taping nila.



"Si Mommy, parating tawag nang tawag at minsan dumadalaw sa set kasi nga malayo ang taping namin. Pero she's proud din naman kasi nga para raw niyang nakikita ang sarili niya sa akin. My Mom kasi started showbiz na mas bata pa sa akin. I think she was like thirteen or fourteen years old lang. Kaya panay ang paalala niya sa akin na maging maingat sa sarili ko," kuwento ni Alynna sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa last presscon ng Mga Mata ni Anghelita.



Kahit nasa trabaho si Alynna ay patuloy ang kanyang pag-aaral. Sa Kennedy Center sa Alabang nag-aaral si Alynna at nasa fourth year high school na siya.



"Ang maganda sa school na ‘yon, sila ang nag-a-adjust sa schedules naming mga artista," sabi ng young actress. "Doon din kasi nag-aral before sina Bryan and Jolo Revilla. They give us modules na pag-aaralan. Puwede kaming mag-advance or makahabol kung sakaling may na-miss out kami. Pero kapag written exam na, kailangang nasa school kami. So far, okay naman po mga grades ko at makaka-graduate naman po ako next year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Balak ni Alynna na kumuha ng Hotel and Restaurant Management. Gusto niyang mag-entrance exam sa University of Santo Tomas.



"Interested ako to put up my own restaurant or magtrabaho sa isang five-star hotel. Marami ang nagsasabi na ituloy ko na lang daw ang pag-aartista, pero promise ko kay Mommy na magtatapos ako ng college degree," ani Alynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN