Andrea del Rosario to meet up with Hollywood action star Vin Diesel


Aside from being busy with Rico J. Puno's concert tour in the U.S., Andrea del Rosario (left) is also working on the movie One Percent Full with Ronnie Rickets (right), under Fat Free Entertainment and Rocketts Productions.


This coming November ay lilipad patungong U.S. si Andrea del Rosario para sa ilang series ng shows, kasama si Rico J. Puno. Sinabi rin ni Andrea na makikipagkita ulit siya sa Hollywood action superstar na si Vin Diesel.

Wala naman daw problema sa French boyfriend ni Andrea na si Erick Nuyen na makipagkita ito kay Vin Diesel. Alam daw kasi ni Erick na kaibigan ng kanyang girlfriend ang Hollywood actor kaya malaki ang tiwala niyang walang mangyayari sa dalawa.

"But of course, walang mangyayari sa amin ni Vin. Friends lang kami ni Vin talaga. At love na love ko ang boyfriend ko. Ayokong abusuhin ang pagmamahal at tiwala niya sa akin."

Kuwento pa ni Andrea na madalas raw silang nagbabalitaan ni Vin Diesel via e-mail. Updated nga raw siya sa ginagawa ngayon ng action star.

Samantala, pinabulaanan naman ni Andrea ang balitang hindi raw siya kilala ni Vin. Sa isang interview nga ni Vin sa isang local broadsheet ay sinabi nitong may kaibigan siyang isang Pinay actress na nagngangalang Andrea.

"Akala kasi nila, ilusyonera ako. Kaya nanggaling na mismo sa bibig ni Vin na friend niya ako," ang sabi ng aktres.

"Very fond of Pinoys itong si Vin kasi yung twin brother niya, ang asawa ay Pinay pala. Kaya noong magkakilala kami, mabait siya sa akin. In fairness, magalang siya sa mga babae. Kahit ang laki-laki niyang lalake, he's such a gentleman," dagdag pa ng Viva Hot Babe member.

Kasama nga sa itinerary ni Andrea sa U.S. ang pakikipagkita sa mga kaibigan niyang sina Michelle Bayle at Angela Velez. Pareho na raw kasing mga nanay ang mga ito at iniinggit daw siya dahil may mga babies na sila.

"Sino naman ang ayaw magkaroon ng baby, ‘di ba? Pero wala pa akong plans talaga. Alam naman ‘yan ng boyfriend ko. Importante sa akin ang trabaho muna. Madaling magpakasal at magkaanak pero ang maging prepared ka sa ganyang buhay, pinag-iisipan ng ilang beses ‘yan. Not until I feel na ready ako for that kind of life, single muna ako. Mahirap kasi mag-commit kung hindi ka pa ready," pagtatapos ni Andrea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN