Dennis Trillo nominated Best Drama Actor in 12th Asian TV Awards


Young actor Dennis Trillo is once again recognized for his exemplary acting by bagging a nomination as Best Drama Performance by an Actor in the 12th Asian TV Awards for his performance in the Lenten drama special Unico Hijo. His nomination is the 14th nomination of the Philippines in the international award-giving body.



Wala pa sa website ng Asian TV Awards ang list of nominees sa kanilang 12th awards night, pero naibalita na sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nominated din si Dennis Trillo sa kategoryang Best Drama Performance by an Actor. Nagustuhan ng Asian TV Awards ang acting ng young actor sa Lenten special na Unico Hijo ng APT Entertainment, kung saan gumanap uli siyang bading, kaya nakasama siya sa mga nominado.



Ang APT Entertainment ang nag-submit sa Asian TV Awards ng Unico Hijo. Ipinalabas ito noong Black Saturday sa GMA-7. Written and directed by Jun Lana, umani ng papuri si Dennis sa pagganap niya rito gaya nang nangyari sa Aishite Imasu, his first movie sa Regal Entertainment kung saan muntik pa siyang maka-grand slam sa mga award-giving bodies dahil sa pagganap niya ng isang cross-dresser noong panahon ng Hapon.

Tuwang-tuwa si Dennis nang malamang nominado siya at kahit daw hindi siya manalo ay okay na sa kanya. Pero siyempre, mas maganda kung siya ang ia-announce na winner sa nasabing category sa awarding ceremony na gagawin sa Suntec Convention Hall sa Singapore sa November 29.

Sa unang report na inilabas ng PEP tungkol sa mga Philippine programs na nominated sa 12th Asian TV Awards ay hindi nakasali ang pangalan ni Dennis. Ayon sa naunang report, siyam ang mula sa GMA-7 at apat naman sa ABS-CBN.

Malamang na hindi na-credit sa GMA-7 ang nominasyon ni Dennis dahil ang APT nga ang producer nito kahit sa Kapuso network ito ipinalabas. Ang best-actor nomination ni Dennis ang 14th nomination ng Pilipinas.



Ang APT Entertainment ang nagbalita kina Dennis at sa manager niyang si Popoy Caritativo na nominado ang young actor dahil ang APT ang in-email ng mga taga-Asian TV Awards. Hindi pa lang sigurado kung dadalo si Dennis sa awards night dahil toxic ang schedule nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Tuluy-tuloy ang taping ng Zaido at almost daily na ang taping ng cast dahil mahihirap ang mga eksena. Aabot din daw ito ng 20 weeks, kaya matagal pa ang bubunuin ng ni Dennis para sa metal heroes series niya sa GMA-7.



Sa Monday, October 8, magsisimula na rin siyang mag-shooting ng "Bangungot" episode ng Shake, Rattle & Roll 9, entry ng MaQ Films sa 2007 Metro Manila Film Festival. Makakapareha niya rito ang ABS-CBN talent na si Roxanne Guinoo. Si Mike Tuviera na director niya sa TXT ang direktor ng naturang episode.



Second movie ni Dennis this year ang SSR9 kaya excited siya. Tapos na niya ang Kulam, isa pang horror movie kung saan katambal naman niya si Judy Ann Santos, pero malamang na next year pa ito maipalabas.

Na-miss din ni Dennis ang paggawa ng pelikula dahil hindi natuloy ang movie project na pagtatambalan sana nila ni Angel Locsin sa Regal. Next year, mas maraming pelikula siyang gagawin, pero bawal munang isulat. Basta gugulatin daw nito ang kanyang fans dahil bago ang kanyang makakapareha.



Samantala, dahil din sa schedule, wala pang linaw kung kailan dadalawin ni Dennis ang anak niya sa beauty queen na si Carlene Aguilar. Uunahin yata nito ang pakikipag-usap sa mga magulang ni Carlene bago bisitahin ang anak na si Calex Andrea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN