Angelika dela Cruz turns down villain role in "Ysabella"


"Sino po ba naman ako para tanggihan ang isang Judy Ann? Talaga lang pona gusto kong magpahinga sa paglabas sa mga kontrabida roles dahilayoko pong ma-typecast," says Angelika dela Cruz about turning down offer to play villain to Judy Ann Santos in Ysabella.



Pinabulaanan ni Angelika de la Cruz ang ulat na tinanggihan niyang makasama sa Ysabella si Judy Ann Santos.

Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Angelika sa presscon ng Prinsesa ng Banyera kahapon, October 2, nilinaw ng dalaga na hindi si Judy Ann ang kanyang tinanggihan kundi ang role na iniaalok sa kanya.

"Sino po ba naman ako para tanggihan ang isang Judy Ann? Talaga lang po na gusto kong magpahinga sa paglabas sa mga kontrabida roles dahil ayoko pong ma-typecast," pahayag ni Angelika.

Sa sinabi ni Angelika ay hindi naiwasang itanong sa kanya ang current role niya sa fantaserye ng ABS-CBN na Pedro Penduko at ang mga Engkantao, kung saan bilang si Kalagwa ay isa siyang kontrabida.

"Iba naman po ‘yon dahil yun nga, fantaserye siya. Mas pambata ang series at hindi naman ako yung kontrabidang nang-aapi dun, kundi nakikipaglaban sa mga bida once na nagiging halimaw ako. Horror-fantasy naman na hindi ko pa nagawa, kaya medyo okay lang," paliwanag ng aktres.

Nilinaw rin ni Angelika na hindi kontrabida ang kanyang role sa panghapong soap opera nila ni Kristine Hermosa na Prinsesa ng Banyera, na magsisimula sa October 8 pagkatapos ng Wowowee.

"Isa akong ambisyosang anak dito at kakambal ko si Kristine. Walang mga sampalan o pang-aaping gagawin ang role ko, pero may kakaibang twist ito pagdating sa bandang huli," paglalarawan ni Angelika sa kanyang role.

Aware naman daw si Angelika na si Kristine ang bida sa soap, pero magkasimbigat ang kanilang roles.

"Nagkasama na po kami sa Sana'y Wala Nang Wakas dati at magkaibigan po kami. Huwag naman sanang lagyan pa ng anumang kulay," pakiusap ni Angelika, na panay ang pakikipagtsikahan kay Kristine during the presscon proper.

Samantala, isang malaking pakiusap pa ang binitawan ng dalaga nang itanong sa kanya ng PEP ang katotohanan sa isyung "nagparamdam" siya sa GMA-7 matapos mag-expire ang kontrata niya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po yata tama na dito sa presscon ng ABS natin pag-usapan ‘yan," pag-iwas niya. "Pero hindi ko po itatangging may feelers ngang matatawag, pero normal naman po sigurong item ang mga ganun sa isang artist na naghahanap ng trabaho. Basta sa ngayon po ay masaya ako sa ibinigay na project sa akin. Marami pa po akong gustong gawin as an artist at hopefully ay magawa ko ‘yan under ABS-CBN."

On a more personal note, ibinalita ng aktres na masaya ang kanyang lovelife ngayon with her businessman boyfriend na involved sa shipping, realty, and gym businesses. Two years na sila ni Orion Casareo at seryoso naman daw sila sa kanilang relasyon. In fact, ito pa nga raw ang nag-encourage kay Angelika na pumasok sa negosyo, gaya ng office materials and equipment supply business niya ngayon.

"Hopefully, kami na nga," hangad ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN