Marian Rivera dismisses woman who claims to be her real mother


Young actress Marian Rivera shows proof that she is not the daughter of a certain Edna Rivera.



Hindi malaman ni Marian Rivera kung paano siya mag-react sa pagsasabi ng isang nagngangalang Edna Rivera ng Victoria, Laguna, na si Marian diumano ang nawawala nitong anak. Lumabas ang kuwentong ito sa Showbiz Central noong Linggo, September 30.



Para ngang soap opera ang kuwento ni Aling Edna sa pagsasabi na si Marian ang kanyang anak na ipinaampon niya noong tatlong buwan pa lamang ito. Rivera raw ang apelyido ng mag-asawang umampon sa kanyang anak at hindi na raw niya ito nakita magmula noon.



Hanggang sa may nakapagsabi nga kay Aling Edna na ang kanyang anak daw ay si Marian na siyang bida ngayon sa Marimar.



Nakakapagtaka na kung kailan nagbida si Marian sa Marimar ay doon lang may umangkin na anak siya ng ibang ina. Ilang TV shows na ang nilabasan ni Marian, pero wala namang nag-claim na anak nila si Marian.



Isa pa, sa kuwento pa lang ni Aling Edna na Rivera family ang umampon kay Marian, mali na agad ito dahil hindi naman Rivera ang family name ni Marian kundi Gracia. Ang Rivera ay maiden name ng ina ni Marian.



Ipinakita ng bida ng Marimar ang mga mahahalagang dokumento na hindi siya ang anak ni Aling Edna, na nagsasabing ang tunay na pangalan daw ni Marian ay Edith Sotto. Ito kasi ang nakalagay sa birth certificate na hawak niya na nagpapatunay diumano na anak niya nga si Marian.



Pero nakahanda ang mga papeles ni Marian. Ipinanganak siya noong August 12, 1984 sa Madrid, Spain. Ang kanyang ama na si Francisco Javier Gracia ay purong EspaƱol at Filipino-Spanish naman ang kanyang ina, si Amalia Rivera.



Sinabi na lang ni Marian na nalulungkot din siya sa nangyari kay Aling Edna at ipinagdarasal niya na magkita na rin sila ng nawawala niyang anak.

Hindi na bago ang ganitong mga kaso na may nagke-claim na anak nila ang isang celebrity. Nangyari na ito noon kina Regine Velasquez, Matet de Leon, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, at iba pang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN