Jaclyn Jose gives up on love after breakup with musician-boyfriend


"Kapag medyo nakarating ka na sa age na alam mo na ang dami mo nangpinagdaanan... a good soldier must knowwhen to surrender. And I'm surrendering in regards to that matter," says Jaclyn Jose about giving up on love. She also speaks proudly of her daughter Andrea (inset) who's entering showbiz without being burdened by her parents' fame.



Inamin ng multi-awarded actress na si Jaclyn Jose na isang taon na pala silang hiwalay ng longtime boyfriend niyang si Kenneth Ilagan, gitarista ng bandang True Faith.



"Wala naman kasing nagtatanong before. 'Tsaka hindi rin naman ako yung tipo na ipinangangalandakan ang personal na buhay. Never kong nakasanayan ‘yon, na pag-usapan ang aking personal na buhay," paliwanag ni Jaclyn sa sa presscon ng pinakabagong daytime drama series ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera kahapon, October 2, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, Quezon City.



Paano naman niya natanggap ang paghihiwalay nila ni Kenneth?



"Okay naman. Sanay na. Nangyari na rin naman before, e. So parang kaya mo nang i-handle," sagot ni Jaclyn.



Hindi itinanggi ni Jaclyn na isa sa rason ng kanilang paghihiwalay ay dahil sa ibang babae.



"Usually yung ganun naman, di ba? Siyempre may dahilan. Ayaw naman nating sabihin na, ‘Ay, walang dahilan!' Meron," diin niya.



Tuluyan na ba niyang isasara ang kanyang puso ngayong nauwi rin sa hiwalayan ang huli niyang pakikipagrelasyon?



"Okay na ako," paniniguro ni Jaclyn. "Tamang-tama lang din yung timing sa akin. I have two kids, I ought to give them a good life, a beautiful life for my daughter and son, and serve my God, our God.

"Kapag medyo nakarating ka na sa age na alam mo na ang dami mo nang pinagdaanan... Parang ganito yung sa akin, a good soldier must know when to surrender. And I'm surrendering in regards to that matter.

"Basta sa akin ang passion ko is my love to my craft and I will go on acting hanggang sa maging Mary Walter na ako. Dahil ang dami-dami ko pang gustong gawin. Sabik na sabik pa ako na mag-create [ng character]. Kaya kung mapapansin ninyo, kahit may soap ako, may mga indie [films] ako in between. Kasi wala, e, ‘eto talaga ang passion ko: to present a certain character in a beautiful art."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ano naman ang naging reaksiyon ng mga anak niya sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang boyfriend?



"Wala, actually... Kasi hindi naman for us to talk about it. Parang wala lang. Ang mga bata naman ngayon, they don't ask anymore kasi they see it on television, they see it sa mga classmates. It's not parang very, very unusual or abnormal na I'm alone in this world. Na ganito ang buhay, it happened.



"Ang mabuti sa mga anak ko e, napakatalino. They understand things but by seeing things around them. So parang ‘Ah, ganito pala!' So they don't ask anymore. Kaya I'm very, very lucky," pahayag niya.



JACLYN'S DAUGHTER.
Kasama rin sa Prinsesa ng Banyera ang anak ni Jaclyn kay Mark Gil na si Andrea.

"Yung paglabas ng anak ko, ni Andie, very very quiet lang din, e. Through a friend, si Direk Andoy [Ranay], very, very quiet. He asked me kung puwede si Andie. Kinausap ko si Andie. Hindi kami nag-launch na, ‘Anak ko, mag-aartista!' Hindi ganun. I want it na very, very quiet. Gusto ko nga bigla na lang siyang makita sa TV. ‘Sino ‘yon?' Yung ganun. Ayoko ng maingay. Ganun ang gusto ko sa buhay.



"For now, only for this project. Marami naman... Nagpi-film siya pero hindi naman required ang sobrang time. But for this project, oo, pinayagan ko siya," sabi niya tungkol kay Andrea, na magtatapos sa high school next year.



Itinanggi ni Jaclyn na isa siyang stage mother.



"It's more of a protective mother kesa sa stage mother," paglilinaw niya. "Kapag may dumadating, I say 'No' bago ko ipinaparating sa kanya. Ayoko na ipapa-manage siya, except advise from my manager [Ed Instrella]. Para ko nang Tatay at siya [Andrea] naman, para na niyang Lolo, ganun na lang. Para alam niya ang priority niya which is is her studies and to preserve yung pagkasariwa ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hayaan mo siyang maging bata, hayaan mo siyang daanan ang buhay. Kaya hindi ko siya pinayagang mag-artista nung teenager. Sabi ko sa kanya, ‘Believe me, hindi mo ipagpapalit ang totoong buhay sa buhay na ito. Mas masarap yung nag-high school, nag-prom, nagbilad sa araw, nag-game...'"

Sinusuportahan ba siya ni Mark pagdating kay Andie?

"Hindi," diretsong sagot ni Jaclyn. "Kawawa rin naman kasi si Ralph [Mark's real name] kung sa kanya pa iasa si Andie."

Pero hindi ba siya nahihirapan na magpalaki ng dalawang anak nang nag-iisa?

"Siyempre, nahihirapan. Sobrang hirap!" buntung-hininga niya. "Sobrang hirap... Like today, pack-up ako ng six [in the morning], kailangan kong gumising ng nine kasi kailangang turuan yung maliit dahil may quiz.

"Kailangan tutok ako, kailangan gagawin ko. Tutal hindi ko hahayaan ang ibang tao kung paano ko sila gustong palakihin kaya kailangan mapalaki ko sila nang tama. Kapag hindi ko nagawa ‘yon, I'll be a failure at hindi ako magiging masaya. Kaya ako masaya kasi alam ko successful ako sa pagpapalaki sa mga anak ko at sa trabahong ginagawa ko. Kaya happy ako kasi nakikita ko rin na happy my kids," paliwanag ni Jaclyn.

LOVE TALK. May boyfriend na ba si Andrea?

"Wala," sagot ng aktres. "Wala pa rin siyang suitors. Pero marami siyang crush. At alam ko ang mga crush niya. Kilala ko, ganyan."

Hindi ba siya natatakot na ma-in love na si Andrea?

"Hindi ako natatakot," sagot ni Jaclyn. "Gusto ko pa nga, on the other hand. But I'm not naman inviting boys to make ligaw to her, but I need someone to help me, to love my daughter.

"I know that the brothers and the sisters and the cousins, all the Eigenmanns [Mark's family], love my daughter so much, alam ko ‘yan. Sure na sure ako diyan, lalo na si Sid [Lucero, Mark's son with Bing Pimentel], yung mga boys ng Eigenmann, alam ko kung papano nila alagaan ang mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas mahigpit ba ang mga Eigenmann kay Andrea kesa sa kanya?

"Yeah!" bulalas ni Jaclyn. "Kaya ako yung kampante kasi sasabihin ko, ‘Gabby [Eigenmann, Mark's son with Irene Celebre], si Andie kinakabahan ako,' ganun."

Gagamitin ba ni Andrea ang apelyido ng kanyang ama bilang screen name?

"No, she's not gonna use any names namin," sabi ni Jaclyn. "Kaya nga rin parang feeling ko, I don't want na ma-pressure yung bata na parang ang feeling nga niya... Buti na lang ang mentality niya, ‘Ma, I'm an individual person. I have my own life. Bakit nila ako laging sinasabihan na hindi ka ba natatakot na ang Mommy mo si Jaclyn Jose, ang Daddy mo si Mark Gil, tita mo si blah-blah?'

"Parang inuuntog yung ulo niya ng mga ano. Pero sabi ko, ‘Hindi, huwag kang magpa-pressure.' Ako mismo ang nagsasabi sa kanya, ‘Indibiduwal ka, iba ako, iba ka. Kung ano yung kaya mo, ‘yon lang.' Pero hindi ko rin siya tututuruan kasi maganda rin yung sarili niya."

Nakita ba niya na may similarities sila sa pag-arte ni Andrea? May eksena ba sila sa Prinsesa ng Banyera?

"Hindi ako sure, e. Nakakatakot! Kaya sumama rin ako dahil nape-pressure. Hayaan natin siya. Kaya hindi ko siya pinalagyan ng Eigenmann or Jose.

"Sinabi ko rin kay Direk Andoy na huwag kaming magsama sa eksena. I want her na lumabas na mag-isa, solo. Ayoko siyang ma-identify na anak ko or anak ninuman. Gusto ko ma-identify siya bilang siya. Kung ano lang ‘yung kaya niya," paliwanag ni Jaclyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN