Aiza Seguerra, Liza Diño stand by Duterte amidst controversy

Apr 19, 2016
<p>Aiza Seguerra and partner Liza Diño attend a political rally of their candidate, Rodrigo Duterte, and show support to him despite recent controversy that hounds the presidential candidate.</p>

Lalo pang ipinakita ng mag-partner na sina Aiza Seguerra at Liza Diño ang kanilang pagsuporta kay Rodrigo Duterte, sa gitna ng kinasasangkutang kontrobersiya ng Davao City mayor, matapos siyang magbiro tungkol sa isang Australian rape victim.

Si Aiza at ang partner nitong si Liza ay dalawa sa mga masugid na tagasuporta sa kandidatura ni Duterte bilang pangulo.

Dahil sa biro ni Duterte tungkol sa misyonaryong Australian na ginahasa at pinaslang noong 1989, marami ang bumatikos dito.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, April 19, ipinaliwanag ni Aiza na hindi bayani ang tingin nilang mga tagasuporta kay Duterte, kundi kakampi.

“Ang hindi siguro naiintindihan ng hindi maka-Duterte sa aming mga supporters ay ito:

“Hindi hero ang tingin namin sa kanya. Isa siyang KAKAMPI.

“Kakampi sa problemang hinaharap ng normal na Pilipino.

“Kakamping nakakaintindi at handa kaming samahan sa pakikipaglaban namin sa mga nang-aapi at nang-aabuso.”

Dugtong pa ng singer, “He is our leader because he is one of us. He knows our pains, our struggles, our hopes and dreams.”

Continue reading below ↓

Nauunawaan umano ni Duterte na hindi makakamit ng marami ang ninanais nilang pagbabago para sa bansa hangga’t may nasa puwesto na pansariling interes lang ang hangad.

“For the first time, may isang tao na ang kapakanan muna ng mga Pilipino ang iniisip bago ang kanyang sarili.

“Pinakita na niya ito sa gawa habang ang iba naman ay makabayan lang pagdating sa salita.

“Masasabi niyo ba ito sa kandidato ninyo?

“Kay Duterte ako dahil pareho kami ng laban. Pareho kami ng pangarap para sa Pilipinas.

“Hindi lang siya pinuno. 

“Kakampi siya ng Pilipino.”

Continue reading below ↓

‘DON’T HATE US.’ Ganito rin ang nilalaman ng post ni Liza sa kanyang social media ngayong Martes.

Simula ng former beauty queen, “Don't HATE us if you don't see what we see in him. RESPECT.”

Sabi pa ni Liza, may kanya-kanyang rason ang mga tao sa pagpili ng kanilang mga kandidato.

Pagtukoy naman sa isyung kinasasangkutan ni Duterte, aniya, “Of course we would go the extra mile to understand him... I think that's already a given.

“Of course we would not rush into judgment like how others would... That's how we protect our own.

“Of course we would listen to him FIRST before we come up with our own conclusions.

“We believe he is the only one who can clarify the issue.

“Not me. Definitely not YOU.

“No one but him.”

Dagdag ni Liza, kung nasa parehong katayuan ang kanilang kandidato, ganun din ang kanilang gagawin.

Continue reading below ↓

Aniya pa, may kakayahan ang sinumang mag-post ng opinyon sa kanyang account sa social media.

“But please do not impose your beliefs on us.

“Don't force us to take your side and get mad if we don't.

“It's cheap, immature and so downright disrespectful.

“Oh and please, do not ever resort to calling us names.

“You just sound more desperate.

“Kung ayaw nyo siyang iboto, kung nasusuka kayo sa kanya...eh di wag! Walang pumipilit sa inyo.

“But If you think BELITTLING us supporters who choose to stay, believe and FORGIVE (yes, he said SORRY) will help us change our MINDS...THINK AGAIN.

“You just proved to us why

“HE'S THE ONE.”

Don't HATE us if you don't see what we see in him. RESPECT. We all have our own reasons why we chose our respective candidates. I'm sure you have yours too. We will never take that away from you. Of course we would go the extra mile to understand him...I think that's already a given. Of course we would not rush into judgement like how others would... That's how we protect our own. Of course we would listen to him FIRST before we come up with our own conclusions. We believe he is the only one who can clarify the issue. Not me. Definitely not YOU. No one but him. Of course we would do all THAT. And you...if you are truly your own candidate's ally, Wouldn't you do the same? It's ok to post your opinions. You wanna state your case? Fine! It's your wall. But please do not impose your beliefs on us. Don't force us to take your side and get mad if we don't. It's cheap, immature and so downright disrespectful. Oh and please, do not ever resort to calling us names. You just sound more desperate. Kung ayaw nyo syang iboto, kung nasusuka kayo sa kanya...eh di wag! Walang pumipilit sa inyo. But If you think BELITTLING us supporters who choose to stay, believe and FORGIVE (yes, he said SORRY) will help us change our MINDS...THINK AGAIN. You just proved to us why HE'S THE ONE. #stopthehate #defendyourcandidatewisely #duterteparin #westandbyourPRESIDENT #du30

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Aiza Seguerra and partner Liza Diño attend a political rally of their candidate, Rodrigo Duterte, and show support to him despite recent controversy that hounds the presidential candidate.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results