"StarStruck 4" Avenger Kiko Juinio ticked off by blind-item charges


Kiko Juinio is the target of two recent blind items which accuse him of peddling his body and being a kleptomaniac. One blind item claims that StarStruck 1 Avenger Alvin Aragon (inset bottom) acts as Kiko's pimp for prospective gay clients. Kiko, who admits courting Jesi Corcuera (inset top), vehemently denies the rumors.



Tuloy pa rin ang panliligaw ng StarStruck 4 Avenger na si Kiko Juinio sa co-star niya sa Boys Nxt Door na si Jesi Corcuera. Direktang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kiko last Saturday, September 29, sa set ng kanilang youth-oriented show sa Kids World sa DasmariƱas, Cavite, kung gimik lang ba ang panliligaw niya sa openly lesbian na si Jesi, o totohanan. He swears na tunay ito.

"Ang sabi niya [Jesi] sa akin, 'Kung makakapaghintay ka, maghintay ka. Malay mo mabago pa rin ang ihip ng langit," sagot ng binata sa amin.

Hindi rin umiwas si Kiko sa mga pagsagot sa mga blind items about him. "Kasi ang sasama pong pakinggan, parang napakasama kong tao," paliwanag niya.

Isang blind item kung saan lately ay pinangalanan na rin siya ay ang pambubugaw raw sa kanya ng original StarStruck Avenger na si Alvin Aragon sa mga bakla. The other one, kleptomaniac daw si Kiko at nagnanakaw ng cell phone.

Hindi alam ni Kiko na napangalanan na sila ni Alvin sa unang issue, kung saan dalawang bagets daw from a reality show na binubugaw at nambubugaw.

"Hindi na po kami nag-uusap ni Alvin more than one month na. Hindi naman po kasi kami magkakilala ng ganoon dahil magkaibang batch kami. Nagkikita lang kami sa iba't ibang lugar at nagbabatian lang kami," sabi ni Kiko.

Alam ni Kiko ang cell phone number ni Alvin, pero hindi raw sila regular textmates at hindi sila magkakilala nang matagal para maging close. May mga kaibigan siya sa ibang batch ng StarStruck, pero sina Vivo Ouanio (Batch 3) lang daw dahil mas barkada niya ang ka-batchmates niya.

Ang ikinagagalit ni Kiko, kung bakit na-blind item siyang nagki-klepto ng cell phone.

"Ang kuwento raw po, nakiki-insert ako ng SIM card ko tapos kukunin ko na. Wala naman akong naaalalang ginawa 'yon saka since before ako mag- StarStruck, may cell phone na po ako. So, bakit ako manghihiram ng iba? Saka regular naman po ang trabaho ko sa GMA kaya kaya kong bumili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung totoo 'yon, di sana lumapit sa akin kung sino man siyang nagsasabing kinuha ko ang cell phone niya. Visible naman po ako sa TV, bakit hindi niya ako puntahan nang diretso kung totoo man ito?" depensa ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN