Rufa Mae Quinto admits short-lived romance with Dennis Trillo


After all these years, sexy comedienne Rufa Mae Quinto finally admits her past relationship with matinee idol Dennis Trillo. "Itinago namin 'yon dahil inaalagaan kasi nang husto ng GMA ang careerni Dennis, at naiintindihan ko 'yon... Alam ko kung saan ako dapat lumagay kaya tumahimik langkami ni Dennis kahit kinukulit kami noon," says Rufa Mae.



Noon pa ay may tsismis na kina Rufa Mae Quinto at Dennis Trillo, bago pa man nagkaroon ng relasyon ang sexy comedienne kay Erik Santos. Napapagkita na magka-date noon sina Rufa Mae at Dennis, pero wala silang inaamin.

Sa pakikipagkuwentuhan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae sa Baang Coffee kahapon, October 3, ipinagtapat finally ni Rufa Mae na nagkaroon talaga sila ng relasyon ni Dennis noon, pero tumagal lang daw ito ng ilang linggo.

"Itinago namin 'yon dahil inaalagaan kasi nang husto ng GMA ang career ni Dennis, at naiintindihan ko 'yon. Nagsisimula na si Dennis sa Darna opposite Angel Locsin. Malinaw ang planong ipinagpe-pair sila, kaya hindi ako dapat umeksena. Alam ko kung saan ako dapat lumagay kaya tumahimik lang kami ni Dennis kahit kinukulit kami noon," kuwento ng sexy comedienne.

Wala namang isyu kung napapagkuwentuhan ito ngayon dahil nga sa nalalagay si Dennis sa hot seat bunga ng pag-amin ng matinee idol na siya nga ang ama ng isinilang ng beauty queen na si Carlene Aquilar.

"Hindi naman sa kailangan ko pang gamitin si Dennis para sa publicity," paglilinaw ni Rufa Mae. "It's not that. Kasi, I can't help but be affected sa mga nasasabi about Dennis tungkol sa isyu. Naging ex ko kasi siya, pero hanggang doon na lang 'yon.

"Ang masasabi ko lang, sa kabila ng lahat, kung ano talaga si Dennis at sa nangyayari sa kanya, tatanggapin ito ng publiko. Maiintindihan pa rin siya na kailangan niyang ayusin ang pagsasalita tungkol sa ganitong bagay dahil inaalala rin niya ang career niya."

Since Rufa Mae didn't admit the relationship when it was still on, biniro namin ang sexy comedienne na mabuti at hindi siya ang nabuntis ni Dennis.

"Hindi rin kasi nagtagal ang relasyon," natatawang sabi niya. "Pangit naman yung nabuntis ako na hindi ko na karelasyon ang tao, di ba? Funny. Pero kung relasyon pa lang kasi at wala namang seryosong pagpaplano para sa marriage, bakit magpapabuntis? 'Yon lang ang sinusunod kong patakaran tungkol sa bagay na 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga nagsasabing malas daw ako sa relasyon dahil lagi na lang akong napapahiwalay sa nagiging boyfriend ko, gaya sa nangyari sa amin ni Rudy [Hatfield], and afterwards, kay Erik [Santos]. Hindi ko naiisip na loser ako pagdating sa pag-ibig dahil ako naman ang nakikipaghiwalay. Pag nararamdaman ko kasi na talagang hindi uubra, kahit nga mahaba na yung panahong ginugol ko sa relasyon, gaya ng kay Rudy, kapag masyadong malaki na ang isasakripisyo ko at hindi ko kaya, I just give up," pahayag ni Rufa Mae.

Magkasama sa GMA-7 Sunday musical-variety show na SOP sina Rufa Mae at Dennis.

CAREER-ORIENTED. At least daw, bago pa dumating sa puntong naikasal na siya, she was able to weigh things at hindi yung nasira na ang marriage. Hanggang nasa "getting to know each other stage" pa lang ay nakakapag- decide na raw siya.

"Career-oriented naman talaga ako," sabi ni Rufa Mae. "Mahirap talaga para sa akin ang bigyan ng mas malaking importansiya ang relasyon kung ganyang marami ang umaasa sa akin, marami pa akong gustong tulungan. You can't really have everything.

"Lalo na ngayon, natutuwa ako dahil nakakapag-co-produce ako, may mga tao akong natutulungan. Ang latest nga ay ang Apat Dapat, Dapat Apat, which I co-produced with Viva. Hangga't makakaya kong gumawa ng ganito at nakakapagpasaya ako—hindi lang ng mga nanonood kundi yung mga tumutulong sa akin, sa production staff na nagbubuhos ng panahon at lakas para sa mga pangarap ko rin naman—iba yung feeling na marami ka talagang natutulungan.

"Kaya siguro hindi ako humihinto sa pagpo-produce, hangga't may magagandang material na sa palagay ko naman ay kikita, at hindi malulugi," sabi pa niya.

Parang ibinabalik din ni Rufa Mae sa Viva ang kind gesture, na tinutulungan na rin niya ang kumpanyang talagang nagsugal sa kakayahan niya kaya ngayon ay naging isa siyang malaking artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inalok nila ako ng pelikula, pero ako na ang nag-alok na makipag- co-produce sa kanila. Naging maganda talaga ang business relationship ko with Viva, kaya hindi lang dahil sa pagtulong ko sa kanila, maganda rin ang magiging epekto nito sa karanasan ko bilang producer," pagtatapat ng sexy comedienne.

Itinuwid din ni Rufa Mae ang balita na ipinagbibili na ang Viva sa halagang P13 billion. Kung titingnan kasi, sige-sige ang pakikipag-co-produce ng Viva sa malalaking kumpanya gaya ng GMA Films at ABS-CBN Star Cinema Productions.

"Parang malabo ang balitang 'yan," sabi ni Rufa Mae. "Sa nangyayari, mukhang magtutuluy-tuloy ang pagpo-produce ng Viva. Na nakikipagtulungan din kasi sila sa ibang producers, kaya masasabing hindi mabigat sa kanila ang ganitong set-up.

"At isa rin kasi ako sa kahit paano'y gagawa ng paraan, para hindi dumating sa punto na ang produksiyong responsible kung bakit may Rufa Mae Quinto ay mawala na lang ng ganun," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN