StarStruck 3 Avenger Chuck Allie quits showbiz to finish college


Young actor Chuck Allie realizes the importance of education and has decided to give up his showbiz career temporarily to finish college in Davao.



Pansamantalang iiwan ng StarStruck 3 Avenger na si Chuck Allie ang showbiz.

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Chuck kaninang umaga, October 7, sa telepono at napag-alaman naming nasa Davao na siya habang kausap namin. Ayon kay Chuck, last Monday ay umuwi na siya sa Davao para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Bago sumali si Chuck sa StarStruck Batch 3 last year, second year Nursing student si Chuck sa Davao. Dahil nga sa pagsali niya sa reality-based artista search ng GMA-7, nagkaroon ng mga projects si Chuck bilang artista kaya napilitan siyang huminto muna siya sa kanyang pag-aaral.

Pero this time, nanaig pa rin ang kagustuhan ni Chuck na makatapos ng kolehiyo kaya umalis na siya ng Maynila at umuwi sa Davao to finish a college course.

"Mag-e-enroll na po ako next week for the second semester sa Ateneo de Davao. Pero hindi ko pa po alam kung itutuloy ko ang nursing or mag-iiba ako ng course. Pero malamang, tapusin ko na po ang nursing," pahayag ni Chuck sa PEP.

Ibig sabihin, mami-miss na si Chuck ng kanyang mga tagahanga dahil hindi muna siya mapapanood sa telebisyon or sa pelikula.

"If ever po, babalik po ako sa Manila after two to three years kapag naka-graduate na po ako. If ever po may opportunity pa rin na mag-artista ulit ako kapag tapos na ako ng college, bakit hindi?" sabi niya.

Dagdag ni Chuck, "Sa ngayon po, ang pag-aaral ko ang haharapin ko. Siguro po dadalaw ako paminsan-misan sa Manila para bisitahin ko ang mga kaibigan ko, lalo na yung mga taga-GMA."

Kinumusta namin ang estado niya bilang GMA Artist Center contract artist.

"May existing contract pa po ako sa GMA Artist Center, pero pinayagan naman po nila ako nung nagpaalam ako. Nakalagay po kasi sa kontrata ko na priority sa aming mga GMAAC talents ang studies kaya wala naman pong naging problema. Gusto ko po kasi talagang maka-graduate sa college," lahad ni Chuck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya nagkaroon ng going-away party?

"Wala po, ayoko po," sagot niya. "Iniwasan ko nga pong magpaalam sa mga kasamahan ko dati sa StarStruck at sa mga kaibigan ko, ayoko po kasi ng iyakan. Tiyak kasing magkaka-iyakan kami kapag may paalaman pa."

Pero nagpaalam naman daw siya sa best friend niyang si Iwa Moto.

"Iyak nga po nang iyak si Iwa nung nagpaalam ako," kuwento ni Chuck.

Hindi pa na-ospital si Iwa during the time na umalis si Chuck.

"Nasa Cebu po siya for a show nang umalis ako. Nag-worry nga po ako nung nalaman ko from her na na-ospital siya dahil sa appendicitis," may halong pag-aalala sa tinig ni Chuck.

Huling napanood si Chuck sa Sine Novela ng GMA-7, ang Kung Mahawi Man ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN