Superstar Nora Aunor thankful for dismissal of drug case


"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi Niya ako pinababayaan," says Superstar Nora Aunor about dismissal of drug case in the U.S.



March 2005 nang pumutok ang balitang nahulihan ng eight grams ng shabu at glass pipe sa kanyang bag ang Superstar na si Nora Aunor sa airport ng Los Angeles, California. Kasunod nito ay ang pagsampa ng kasong possession of illegal drugs sa aktres kung saan naghain siya ng plea na guilty.



Sumailalim ang Superstar sa 18-month drug rehabilitation program sa U.S. at pagkatapos niyang maipasa ang mahigit na 40 drug tests ay ibinaba na ang desisyon sa kanyang kaso.



Ayon sa abogado ni Nora na si Atty. Claire Espina, "The judge based upon everything, dismissed the case, and she's never been convicted. What we have is a young lady who's clean of any record. No government will reject you and we're all very happy for you."



Para naman kay Nora, utang niya ang magandang pangyayaring ito sa lahat ng sumuporta at nagdasal para sa kanya.

"Natutuwa ako na natapos na yung case 18 months and gusto kong pasalamatan yung aking dalawang napakagaling na lawyers. Nais kong magpasalamat sa lahat ng mga fans. Sa lahat ng mga kaibigan na sumuporta sa akin sa Pilipinas hanggang dito sa States na hindi ako pinabayaan," pahayag ng Superstar.



Mula sa Amerika ay nagsalita si Nora via phone patch sa The Buzz kahapon, October 7, sa unang pagkakataon pagkatapos ma-dismiss ng kanyang kaso.



"Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hindi Niya ako pinababayaan," reaksiyon niya sa dismissal ng kanyang kaso.



Isang sorpresa naman ang inihanda ng The Buzz para kay Nora kahapon habang nag-uusap sila ng show host na si Boy Abunda. Nasa studio ang kanyang anak na si Ian de Leon. Pagkatapos kasi na ma-dismiss ang kanyang kaso ay hindi pa nakausap ng aktres ang isa man sa kanyang mga anak. Doon nagkamustahan ang mag-ina.

May isa pang sorpresa ang nag-aabang para kay Nora na inihanda ng The Buzz. Noong oras ding ‘yon ay bininyagan ang bunsong anak ni Matet de Leon kay Mickey Estrada. Sobrang miss na miss na ni Matet ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Plano ng mag-iina na magkasama-sama ngayong Pasko sa U.S. Very firm pa rin si Nora na manatili sa U.S. kahit na-dismiss na ang kanyang kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN