Kris Aquino to do three new shows for ABS-CBN


Aside from the reformatting of Boy & Kris, TV host-actress Kris Aquino is slated to do three more shows with ABS-CBN: the TV remake of Patayin sa Sindak si Barbara and a new game show that will replace Kapamilya Deal or No Deal.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Kris Aquino sa contract signing niya bilang endorser ng White Flower oil ointment last Monday, October 8, sa CCW Café, Makati City. Present sa contract signing ang owners ng White Flower at ang kaibigan ni Kris na si Boy Abunda.

Nakarating na kay Kris ang feedback na marami ang nagkagusto sa bagong portions ng morning show nila ni Boy sa ABS-CBN, ang Boy & Kris, kung saan personal na pinupuntahan ni Kris ang iba't ibang lugar na puwedeng bisitahin ng pamilya habang si Boy ay sinusubukan ang iba't ibang klaseng adventures.



Ayon kay Kris, "Ang tagal na naming gustong i-try... In fairness sa amin ni Boy, ang tagal naming hinintay. Kasi ako sinabi ko initially when I was gonna go back to work, dapat talaga meron akong lifestyle show, pero hindi natuloy. But I said, it's really what I'm interested in.

"Sabi ko, I'm like any other working mom out there. Gusto ko maka-discover ng restaurants where I can eat out with my husband. I want to go to places where I can bring my kids. 'Tapos, I want to be able to design my home and beautify myself. So, talagang ang tagal kong nilalaban.

"'Tapos si Boy naman, ang strength niya, he's adventurous. Gusto naman niyang mag-try ng iba-ibang mga sports and everything. So, 'yon, masaya. It's really exhausting.

"Like the other day sa Boy & Kris, ipinakita namin yung restaurant ni Bayani [Agbayani]. Ang sosyal! Super high-end talaga. Kasi all the gray areas, parang private rooms. May P4,500 yung steak, but it was really ibang level ang sarap. Pang-mayaman! And then, meron din silang mga clients who would call and say, ‘I want yung P9,000 per head na meal.' Grabe! Grabe talaga!" kuwento ni Kris.

May balak ba si Kris na i-treat sa restaurant ni Bayani ang pamilya niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi!" tawa niya. "Sa takaw ba naman ni Josh [her son with Phillip Salvador]? Hindi, huwag na. But nung nag-taping kami doon, sumama si James [Yap, her husband]. So, natikman namin lahat. As in, sobrang delicious! It's very high-end kasi they even had whale!"

PROJECT WITH SUSAN ROCES. Bakit hindi natuloy 'yong dapat na gagawin niyang lifestyle show?

"Kasi nga, because of Boy and Kris," sagot ng TV host-actress. "Tapos on Friday, may pictorial na kami ni Tita Susan [Roces] for Patayin sa Sindak si Barbara. I'm Barbara, she's [Susan] the mom. Kasi, di ba, instead of a movie, ginawa siyang Sine Serye. Six weeks but once a week siya sa primetime."

Saturday or Sunday?

"Basta, surprise!" bulalas ni Kris. "Saturday or Sunday lang naman ‘yon. But maganda talaga yung casting. Tita Susan is the mom at yung guy originally done by Dante Rivero, it's now Albert Martinez. Ako si Barbara tapos yung sister ko si Ruth, siya yung nagmumulto. Sa original si Rosanna Ortiz, but now si Jodi Sta. Maria. Kasi pinanood ko yung original... Tapos yung daughter doon, si Celine, yung little Juday [Judy Ann Santos] sa Ysabella at Kim [Chiu] sa Sana Maulit Muli. Si Poknat, ‘yon!

"I'm so excited kasi parang, number one talaga, it's a dream come true to finally be able to act with Tita Susan. Pangalawa, parang in-entrust niya sa akin yung project, and then, since hindi ako nakagawa ng movie, ang saya-saya na ng something as special as Patayin sa Sindak si Barbara.Ang taping schedule namin is every Thursdays and Saturdays starting last week of October," lahad ni Kris.

Ang Patayin sa Sindak si Barbara ay unang ginampanan ni Susan at ni-remake ni Lorna Tolentino.



LIFESTYLE SHOW. Kasabay ng contract signing ni Kris last Monday ang presscon sa mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez para sa wakeboarding competition na inorganisa ng aktor. Nagsalita raw si Charlene na hindi siya nagtatampo kay Kris sa pagkawala ng kanyang lifestyele show sa ABS-CBN, ang At Home Ka Dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May lifestyle show ba ako? Di ba? Hello! Yun lang, ganun kasimple," natatawang pahayag ni Kris nang hingan ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Charlene.

"It never affected me because in the first place, I never got a lifestyle show. So, I'm doing that on Boy & Kris. So, alam kong wala akong kinuhaan ng trabaho," paliwanag niya.

Is she aware of the issue? Balita kasi na kaya nawala ang At Home Ka Dito ni Charlene ay dahil ipapalit dito ang lifestyle show ni Kris.

"Yeah, I heard about it... But because my lifestyle show did not push through, so dinismis ko na," sabi ni Kris.

Nalungkot ba siya nang hindi natuloy ang lifestyle show niya?

"Super," malungkot na sabi ni Kris. "Kasi si Rachel Ray [TV host sa U.S.] ang favorite ko talaga. Kahit monotone si Martha Stewart, I love her. Hahaha! Yun ang mga shows na pinapanood ko talaga. And then, pinapa-tape ko pa yung ano...Barefoot Contessa, Everyday Italian, 'tapos Rachel Ray...lahat!

"So, talagang fan ako ng Lifestyle Network. That was really my dream. Sa ngayon, ano na lang...okay na. Boy and I are getting to do it naman, e."

Kapareho ba ng format na ginagawa nila sa Boy & Kris yung concept sana for her own lifestyle show?

"Hindi. Iba yung prinesent nila. Pero baka mangyari pa rin, who knows?" sagot ni Kris.

DEAL OR NO DEAL. Last week, naglaro si Kris sa kanyang sariling game show na Kapamilya Deal or No Deal. How was the experience?

"Hindi pala madali," sabi niya. "Alam mo nung gabing ‘yon, text ako nang text. Parang si Banker tinext ko. Sabi ko, ‘Bakit hindi man lang umapak ang banker's offer sa akin ng P20,000?'

"Tapos sinabi niya, ‘Hindi, okay ‘yan kasi at least, alam nila talaga na may credibility tayo.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos sabi ko, ‘Hindi, gusto ko sanang ma-experience yung dilemma.' Kunwari nag-offer na ng P350,000, kung magdi-deal ka o hindi. Sabi ko, siyempre sa akin naman lahat ng offer magnu-no deal ka.

"And you know, it's so funny kasi ang Mom ko [former President Cory Aquino] sinabi sa akin, ‘Just huwag lang million, Krissy, ha. But then, I want you naman to do better than me.' Kasi siya P400, nag-fifty pesos ako. That's life. Mas malaki pa rin talaga yung sa kanya!" tawa ni Kris.

"But I'm excited kasi this week, maglalaro sina Korina [Sanchez] at Mar [Roxas]... Yeah, sabay. Di ba, may theory... Sinabi ni Banker, ‘Huwag ka nang mag-alala, suwerte ka naman sa pag-ibig dahil malas ka sa laro.' So, titingnan natin kay Korina at Mar kung ano ang mangyayari."

Kailan ipalalabas yung episode niya?

"Friday lalabas sa akin to launch my McDonald's commercial," sagot niya.

Hanggang kailan ba ang Deal or No Deal? Napabalita kasi na tatanggalin na ito sa ere bago pa man ito inilipat from primetime to pre-primetime.

"Parang forever," biro ni Kris. "I'm not allowed to say kasi pagagalitan nila ako. But I'm very proud, yung six o' clock slot na ‘yan, naging game show slot because of Deal or No Deal. I mean, it's ABS-CBN who took the risk."

At ngayon ay tinapatan naman ng GMA-7 ng kaparehong format na show, ang Whammy! Push Your Luck.

"Yeah, pero okay lang," sabi ni Kris.

May bali-balita na hanggang December na lang ang Deal or No Deal. Totoo ba ito?

" It's definte na it's until Christmas," sagot niya. "But I'll have a new game show in time for the New Year. It's a new show. Pero yung Deal or No Deal, stop muna tapos may bago."

Game show rin daw ito pero hindi franchise mula sa Endemol gaya ng Deal or No Deal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi," sabi ni Kris. "Hindi rin local. Parang ABC, e. I've seen it. I've seen the material and it's so Pinoy."

Hindi na rin daw niya babalikan ang Pilipinas, Game KNB? na napunta na kay Edu Manzano. Pero may iba pang shows na gagawin si Kris sa ABS-CBN.



"Tatlo kasi ang naka-line-up. Tapos nilatag naman nila sa akin at ipinakita sa akin kung ano yung after Deal... After this, 'eto [new game show], tapos may pangatlo. So, confident naman ako doon. Magaganda yung naka-line-up," masayang kuwento ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN