Sheree's digital movie warns people against sex videos


"Ipinapakita sa pelikula kung paano puwedeng masira ang buhay ng isangtao dahil lang sa ganoong bagay, at marami sa atin, ang feeling nilanormal lang yung kinukunan natin ng video ang isa't isa sa ganoongparaan," says Sheree about the effect of sex videos.



Ang Vivian Velez-look-alike na si Sheree ng Viva Hot Babes ay inilunsad na to acting stardom sa RoXXXanne ng Octobertrain Films, na idinirek ni Jun Lana.



Sa premiere ng naturang digital film na idinaos kagabi, October 10, sa UP Film Institute, naitanong ng PEP (Philippine Entertainment) kay Sheree kung sa tunay na buhay rin ba ay naiisip niyang malalagay siya sa sitwasyon ng character na ginagampanan niya sa pelikula, na magugulo ang buhay dahil sa isang sex video scandal.



"Paalala naman talaga ito sa lahat na kailangang mag-ingat, at kung makikipag-sex, huwag namang i-video dahil delikado," sagot ng sexy actress.



"Ipinapakita sa pelikula kung paano puwedeng masira ang buhay ng isang tao dahil lang sa ganoong bagay, at marami sa atin, ang feeling nila normal lang yung kinukunan natin ng video ang isa't isa sa ganoong paraan," paliwanag ni Sheree.

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Kapansin-pansin na karay ni Sheree nang gabing 'yon ang boyfriend na si Gian Magdangal, isa sa grand finalists ng kauna-unahang Philippine Idol at isa na sa very promising male performers sa kasalukuyan.



"Natutuwa nga ako dahil very supportive siya. Tingnan mo, hindi siya celebrity this time kundi photographer na gustong kumuha ng pictures ko for this event," nakangiting sabi ni Sheree.

Patuloy niya, "Masarap magkaroon ng boyfriend na gaya ni Gian dahil very understanding. Wala siyang sinasabi about my sexy image dahil tinanggap niya agad na part yung pag-aartista ko. Bihira talaga ang lalaking gaya niya."



Ipinaalam daw talaga ni Sheree kay Gian ang lahat ng eksena niya sa pelikula bago pa niya ito i-shoot. Wala namang nasabi si Gian kung hindi approval lang.



"Hindi ko naman din kailangang ipaalam, pero out of respect na lang sa relasyon namin. At saka alam kong maiintindihan niya. Confident siya sa kalalabasan ng pelikula based on what I have told him. Kaya hindi siya basta maba-bother ng sasabihin ng ibang tao," pahayag ni Sheree.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang bentahe ng RoXXXanne ay ang katotohanang very interesting ang premise ng pelikula bordering on sex, pero hindi naman kailangang magbilad ng katawan ang mga artista rito.



"Ang lagi lang sinasabi ni Gian sa akin, na-in love siya roon sa totoong Sheree at hindi yung basta Sheree na nagpapa-sexy lang. It's not the image but the person, so that's enough for me, na pagdating sa bagay na 'yan, hindi magkakaproblema ang relasyon namin," sabi ng sexy actress.



EX-BOYFRIEND. Nagulat naman si Sheree nang kumustahin namin sa kanya ang dati niyang boyfriend na si Onemig Bondoc.



"Hayun, bigla na lang siyang nawala, di ba?" natatawang sabi ng sexy actress.



"Nawalan na talaga ng chance na magkaroon ng closure, pero definitely, sa tagal ba naman na wala na, talagang wala na. Kasi nandiyan na ang bago kong boyfriend.



"Marami siyang [Onemig] nasabi tungkol sa akin noon, pero hindi na lang ako nagsalita. Hanggang ngayon, ayokong magsalita ng negative sa kanya. Basta ang masasabi ko lang, kung ikukumpara ninyo si Onemig kay Gian, walang comparison.



"For one thing, nakita naman ninyo na despite my sexy image, Gian is around and very supportive, and not the kind of guy na nagpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao," nakangiting pahayag ni Sheree.



One year and seven months na palang tumatakbo ang relasyon ng dalawa, kaya pangit daw na nagsasalita pa siya ng kung anu-ano tungkol sa kanyang ex dahil baka lumabas pang hindi siya makapag-move on.



"I'm sorry, pero moved on na moved on na ako," at natawa na lang ang sexy star. "Kitang-kita naman na superhappy ako ngayon sa piling ng bago kong boyfriend, at isipin na lang natin, past is past. Hindi na dapat binabalik-balikan 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN