Rosemarie Sonora and daughter Sheryl Cruz to speak up against Grace Poe in a presscon?

Apr 19, 2016
<p>Isang insider ang nagsabi na magkakaroon umano ng presscon ang mag-inang Rosemarie Sonora at Sheryl Cruz upang buhayin ang mga isyu laban sa presidential candidate na si Sen. Grace Poe.</p>

Nakahanda ang kampo ni Senator Grace Poe sa mga bago at personal na isyung diumano'y ilalabas ng mga hindi pabor sa presidential candidacy niya.

Isang insider ang nagsabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nakarating sa kanila ang impormasyong magkakaroon umano ng presscon ang mag-inang Rosemarie Sonora at Sheryl Cruz bago mangyari ang third presidential debate, na nakatakdang ganapin sa Linggo, April 24, sa University of Pangasinan, Dagupan City.

Nadamay ang pangalan ni Rosemarie, nakababatang kapatid ni Susan, sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Grace.

Siya ang pinagbibintangang biological mother ng adopted daughter nina Susan at Fernando Poe Jr.; isang isyu na mariing pinabulaanan ng Reyna ng Pelikulang Pilipino.

Sa kabila ng denial ni Susan, hindi mamatay-matay ang urban legend na anak ni Rosemarie si Grace kay deposed Philippine President Ferdinand Marcos.

Sinabi ng PEP source na muling bubuhayin sa presscon ang mga isyung ipinupukol laban kay Grace, tulad ng pagmamaltrato diumano nito sa kasambahay.

Continue reading below ↓

Ngunit hindi nababahala ang kampo ng senadora dahil wala raw basehan at katotohanan ang mga paratang laban sa presidential bet ng Partido Galing at Puso.

Kinumpirma rin ng PEP source na naririto ngayon sa bansa si Rosemarie, pero hindi raw nito ipinaalam kay Susan ang pag-uwi niya sa Pilipinas.

Nang tanungin ng PEP ang insider tungkol sa reaksiyon ni Susan sa balitang magsasalita si Rosemarie tungkol kay Grace, sumagot ang source ng: “Wala siyang komento. Hindi siya apektado.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Isang insider ang nagsabi na magkakaroon umano ng presscon ang mag-inang Rosemarie Sonora at Sheryl Cruz upang buhayin ang mga isyu laban sa presidential candidate na si Sen. Grace Poe.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results