Manny Pacquiao plays magician at baby Princess's birthday party


"Pambawi ko ito sa baby ko kasi wala ako rito noong ipinanganak siyatapos wala ako noong birthday niya mismo. Lahat ng ito ay para sa babynamin kasi siya ang prinsesa ng pamilya namin," says Manny Pacquiao about the grand birthday celebration of daughter Princess.



Mas engrande ang pangalawang birthday party ng baby girl nina Manny at Jinky Pacquiao na si Mary Divine Grace or Princess kahapon, October 12, sa Renaissance Hotel sa Makati. Wala kasi si Manny sa unang birthday party ni Princess noong October 1 na ginanap din sa naturang hotel kung saan naka-check-in ang Pacquiao family.



Disney Princess ang tema ng party ni Princess kaya naman nagkalat ang mga cartoon characters na Snow White, Cinderella, Sleeping Beauty, Belle ng Beauty and The Beast, Ariel ng The Little Mermaid, at Jasmine ng Aladdin. May itinayo ring mini-castle para labasan ng birthday celebrator.

Late nang bumaba sa ballroom si Manny dahil may mga kinausap pa siyang mga bisita sa kanilang hotel suite. Pero tuwang-tuwa ang Pambansang Kamao dahil kumpleto na sila ulit para sa ikawalang selebrasyon ng kanyang unica hija.



"Pambawi ko ito sa baby ko kasi wala ako rito noong ipinanganak siya tapos wala ako noong birthday niya mismo. Lahat ng ito ay para sa baby namin kasi siya ang prinsesa ng pamilya namin," sabi ni Manny, na kakapanalo lamang muli sa kanyang boxing match kay Marco Antonio Barrera ng Mexico.

During the celebration ay nagpakitang gilas din si Manny bilang isangclown at magician. Tuwang-tuwa ang mga bata, lalo na ang dalawang boys ni Mannyna sina Michael at Jemwell dahil napapanood na nilang nagpapatawa angkanilang daddy at hindi nakikipagsuntukan.



Tinatayang hindi bababa sa isang milyong piso ang nagasta sa birthday party na ito ni Princess. Sa mga balloons na lang daw ay libu-libo na ang halaga dahil imported pa ito mula sa U.S. Idagdag pa ang mga bonggang giveaways gaya ng cell phones, i-Pods, mga imported na mga aso, at iba pang mga mamahaling laruan.

Tumulong din sa pag-o-organzie ng party ang kaibigan ni Jinky na si Claudine Barretto.



Star-studded din ang event dahil bukod kay Claudine ay dumating din ang maraming Kapuso stars gaya ng mister ni Claudine na si Raymart Santiago at ang kanilang anak na si Santino, Marvin Agustin, Keempee de Leon, Gladys Reyes with husband Christopher Roxas, Ruby Rodriguez, Julia Clarete, Ariel and Maverick, Jonalyn Viray, Gerald Santos, Aicelle Santos, Joyce Tañaña, Sugarpop, Geleen Eugenio, Michael V., at si Kyla na umawit ng "Lupang Hinirang" sa laban nina Pacquiao at Barrera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nandoon din sina Edu Manzano, Bayani Agbayani, at ang representatives ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice Bektas.



Dumating din ang mga kaibigan ni Pacquiao mula sa mundo ng politics, sina DENR Secretary and former Manila Mayor Lito Atienza at former Ilocos Sur Governor Chavit Singson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN