Overstressed Yasmien Kurdi rushed to hospital after fainting on the set


Yasmien Kurdi was rushed to St. Luke's Medical Center yesterday, October 13, after fainting on the set of Pasan Ko ang Daigdig. She was diagnosed with "essential or primary hypertension" caused by stress and lack of sleep.



Isinugod sa St. Luke's Medical Center kahapon, October 15, ang lead star ng Pasan Ko ang Daigdig na si Yasmien Kurdi. Dahil sa nangyari, muntik nang ma-pack up ang kanilang taping na malalaking eksena pa naman sana sa PETA Theater sa Quezon City ang kukunan.



Ayon sa isang staff ng Pasan Ko ang Daigdig na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), bigla raw nahilo at nawalan ng malay si Yasmien bago siya isalang sa isang mabigat na eksena. Pagpasok pa lang daw ni Yasmien ay napansin na nilang namumutla ang dalaga at tinanong pa nga nila kung okay ba ang pakiramdam niya.



Wala naman daw inireklamo si Yasmien hanggang sa makaramdam na ito ng hindi maganda. Bigla raw natumba ang young actress at kaagad naman siyang itinakbo sa St. Luke's na malapit lang sa set ng afternoon soap opera ng GMA-7.



Hindi na nagpa-confine si Yasmien sa ospital. Binigyan na lang siya ng mga gamot at pinagpahinga ng kaunti. Pagkapahinga raw ay agad siyang bumalik sa taping. Naiiyak pa nga raw si Yasmien dahil nahihiya siya sa buong staff ng show, na muntik nang nag-pack up.



"Ayoko pong maging cause ng pag-pack-up ng taping," naluluhang sinabi ni Yasmien. "Kaya kahit na sinabi sa akin na mag-stay pa ako sa hospital at baka may mangyari pa sa akin, pinilit ko na bumalik sa set para mag-taping.



"Tinanong naman nila [staff] ako kung baka gusto ko nang magpahinga at okay lang na ma-pack-up ang taping. Sinabi ko naman na okay na ako. Ituloy na namin ang taping kasi nakakahiya kay Direk Joel [Lamangan]."



"Essential or primary hypertension" ang naging diagnosis ng mga doktor kay Yasmien. Tumaas ang presyon ng dugo ng young 18-year-old actress kaya nahilo. May kinalaman ito sa sobrang stress at sobrang pagpupuyat ni Yasmien sa kanyang trabaho.



"Siguro po na-stress lang ako sa sunud-sunod na taping namin," sabi ng young actress. "Tapos mabibigat po lahat ng eksena. Halos lahat ng scenes ko ay umiiyak ako at sumisigaw. Nakadagdag daw po 'yon sa stress ko sa katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilang araw din kasi akong hindi nakatulog nang maayos kaya noong makita raw ako ng mga tao sa taping, namumutla raw ako. Pati nga raw mga kamay ko, parang nangingitim at pinapawisan ako ng malamig. Yun pala ay hina-hypertension na ako," kuwento ni Yasmien.



Pinagsabihan si Yasmien na bumalik sa ospital para makunan pa siya ng ilang tests. Hindi pangkaraniwan sa edad ni Yasmien na magkaroon ng "essential hypertension."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN