Claudine Barretto confronts man who spread "kisscandal" photos


Actress Gretchen Barretto was seen confronting a man in a Pasig mall last Tuesday, October 16. Witnesses say they overheard Claudine accusing him of spreading the "kisscandal" photos of her sister Gretchen and John Estrada.



Nagulat kami nang makarating sa amin ang balitang may "nakaaway" diumano ang aktres na si Claudine Barretto noong October 16, Tuesday, habang namamasyal siya sa SM Hypermart sa Pasig City.

Ayon sa impormasyong aming nakalap, galit na na galit ang aktres sa isang lalaki nang magpang-abot sila sa labas ng isang restaurant.

Kahapon, October 17, pinuntahan namin ang nasabing mall para kumpirmahin ang totoong naganap. Nakausap namin ang manager ng Savory Restaurant na si Sonny Dionisio at kinumpirma niyang nakita nga niya si Claudine kagabi nang kumain ito sa kanilang restaurant. Kasama ng aktres ang kanyang mister na si Raymart Santiago, si Paolo Contis, at ilang kaibigan.

Nakausap din namin ang ilang staff ng nasabing restaurant at mall at sila ang nagkumpirmang totoo ngang may kinumpronta si Claudine.

"Paalis na po sila sa Savory ‘tapos nakita po ni Ma'am Claudine yung lalaki sa lobby ng mall. Kinakausap po ni Ma'am Claudine ang lalaki at halata pong inis na inis siya sa lalaki. Narinig din po namin na may kinalaman ‘yong lalaki sa ano daw, pagkalat ng picture ni Gretchen [Barretto] at John [Estrada] sa Internet," sabi ng nakasaksing staff ng mall.

Matatandaang kumalat noon ang mga larawan nina Gretchen at John na naghahalikan at magkayakap. Napag-alaman later on na kuha ang mga larawang ito sa cell phone mismo ni John na ginamit sa birthday party ni comedienne Rufa Mae Quinto. Lumabas din na isang lalaking kaibigan ni John ang nagpakalat nito hanggang sa makaabot na nga sa Internet.

Dagdag pa ng mga nakasaksi, nakatungo lang daw ang lalaki at tila hiyang-hiya kay Claudine. Dumating pa raw sa punto na inawat ni Raymart ang kanyang misis para huminahon.

"Mahinahon naman po si Ma'am Claudine, pero halata pong nagpipigil siya ng galit," sabi naman ng food server ng naturang restaurant.

Ilang minuto pa raw ay umalis na ang lalaki. Si Claudine naman, tila nahimasmasan. Magiliw pa raw itong nagpaunlak sa pagpapa-litrato ng ilang parokyano ng mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala naman ng text message si Claudine sa GMA News at PEP. Sinabing hindi muna siya magbibigay ng pahayag tungkol sa nasabing isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN