"Pinoy Big Brother" host Mariel Rodriguez becomes celebrity house guest


In a surprise twist in the ongoing Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, one of the show's hosts, Mariel Rodriguez, was made to enter Bahay ni Kuya as house guest.



Sa isang unexpected twist sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2, ang host ng PBB Uber—daily afternoon update ng naturang reality show sa ABS-CBN—na si Mariel Rodriguez ay ginawang guest housemate ni Kuya.

Si Mariel kasi ang naghatid sa Filipino-British model na si Jon Avila, na pang-12th celebrity housemate na pumasok sa PBB house kahapon, October 17.

Sa pagbaba ni Jon sa white limousine na naghatid sa kanya sa harapan ng PBB house, kasama ang host Bianca Gonzales, nagulat ang lahat na naka-beach-board shorts at naka-slippers lang ang hunk model. Without any shirt on at kitang-kita ang kanyang well-sculptured physique, nagtilian ang mga tao habang pumapasok siya sa Bahay ni Kuya.



Pagkatapos noon ay inihatid na ni Mariel si Jon sa loob ng confession room where Big Brother warmly welcomed the Fil-Brit hunk. But the biggest surprise for Mariel was about to happen that afternoon—Kuya instructed Mariel to accompany Jon inside the house and introduce him to the other housemates.



Mariel was speechless for a while and tried to clarify the matter with Kuya. But when she failed to get a clear answer, Mariel realized that her own biggest fear just came true. "I knew it!" was all Mariel could say when she realized that she was about to become a housemate.

Sa labas ng bahay ay mukhang na-shock din ang host na si Bianca sa naging desisyon ni Kuya na gawing celebrity housemate ang dating kapitbahay ni Kuya na si Mariel. Nais daw kasing makilala ni Kuya ang buong pagkatao ng dalaga, kaya naisipan niyang gawing guest housemate si Mariel.



Still, sa loob ay biglang ipinatawag ni Big Brother ang housemate na si Victor Basa sa confession room. Bigla ring sumunod ang nagpa-panic na si Mariel, pero pinagbawalan siyang sumunod sa binata. Paglabas nito ay dala na niya ang mga gamit ni Mariel including the lapel microphone and other stuff na gagamitin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can't believe you're doing this to me!" ang paulit-ulit na sinabi na lang ni Mariel.

Ikinuwento ni Bianca na ilang araw bago pa man maging housemate si Mariel ay nabisto na nito ang balak ng PBB production team sa kanya. Minsan daw kasing nakausap ni Mariel ang ABS-CBN top honcho na si Gabby Lopez, nadulas ang big boss nang batiin niya ang TV host sa kanyang nalalapit na pagpasok sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon pa kay Bianca, na naging housemate sa unang PBB Celebrity Edition, ang greatest fear daw ni Mariel ay maging isa sa mga housemate sa loob ng Bahay ni Kuya.

Kinagabihan naman ay pumasok na rin sa wakas sa loob ng Bahay ni Kuya ang comedienne na si Ethel Booba, pagkatapos mag-backout noong una dahil ayaw mapahiwalay sa kanyang boyfriend na si Janvier Daily.

Si Toni Gonzaga ang naghatid kay Ethel sa loob ng confession room. Medyo nag-alala si Toni nang pagsaraduhan siya ng pinto ni Kuya sa loob ng confession room, kasama si Ethel. Pero biniro lang pala siya ni Kuya kaya nakalabas din siya.

Ngayon ay kumpleto na ang bilang ng celebrity housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN