Angelika dela Cruz happy with Kapamilya and role in "Prinsesa ng Banyera"


"Dedma ako sa lipatan issue dahil okay lang ako sa ABS-CBN. At sakahindi na rin kasi bago ang ganyang mga isyu, kahit sa ibang artista.Mayroon na ring mga taga-Dos na lumipat sa Siete, ganoon lang. Kungsaan ka masaya," explains Angelika dela Cruz about talks that she is planning to return to GMA-7.



Mukhang masaya naman si Angelika dela Cruz sa bagong assignment na ibinigay ng ABS-CBN sa kanya. Gumaganap ng offbeat role si Angelika sa afternoon soap opera, Prinsesa ng Banyera. Hindi masasabing all-out kontrabida ang papel niya rito, kundi tipong multi-dimensional character na makaka-emphatize pa rin ang mga tao.



"Natutuwa ako dahil sa feedback, naiintindihan nila where my character is coming from. Yun lang ang gusto ko, yung kahit bad girl yung character, makikita ng mga tao yung soft side niya. That's what I like best sa role ko as Daphne, dahil nakaka-challenge talaga," sabi ni Angelika sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang dumalaw kami sa taping ng Prinsesa ng Banyera.



Unlike before na lagi na lang iniintriga si Angelika with her co-stars, ngayon ay wala nang ganitong mga isyu. Sa Bituing Walang Ningning kasi ay pinagsabong sila ni Sarah Geronimo.



"Maraming parating na mga salita, na kesyo sinabing ganoon, ganyan. When I was younger, I must admit, madali rin akong mairita. Nagre-react talaga ako," sabi ng aktres.



"Ngayon, siguro nga, nag-mature na ako. I think a lot first. 'Tapos ang ginagawa ko, kinakausap ko yung taong involved. Very friendly, para walang gulo.



"Nakakapagod na rin yung ganyan. For a time before, madali akong maapektuhan. Ngayon, bale wala sa akin. For as long as I'm happy with what I'm doing, wala akong sinasagasaan, I feel things will always get better."

ANGELIKA & KRISTINE. Noong nasa GMA-7 pa si Angelika, pinagsabong sila ni Kristine Hermosa dahil kay Jericho Rosales. Dating ka-loveteam ni Angel si Jericho, 'tapos ay nagkaroon ng buildup kina Echo at Tintin dahil lumipat from ABS-CBN to GMA-7 si Angelika. Ngayon ay magkasama na sila ni Kristine sa Prinsesa ng Banyera.



"Natatawa nga ako kapag naiisip ko 'yon," sabi ni Angelika. "Pero alam ni Tintin 'yon, never akong nakipag-away sa kanya dahil wala naman kaming dapat pag-awayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Tatawanan mo na lang yung mga naging intriga sa amin dahil...kanino ba napunta si Echo sa tunay na buhay? Kay Heart [Evangelista], di ba? Who would ever think? Kanino ba napunta si Tintin? Di ba kay Diet [Diether Ocampo]? So, iisipin mo, makikipag-away ka ba dahil diyan. At the end of the day, you will end up as friends, gaya sa nangyari sa amin ni Tintin."



Kuwento pa niya, "Hindi basta naniniwala ang iba, pero sa set, maski itanong mo kahit kanino, masaya kami ni Tintin. Nag-uusap kami, nagbibiruan. Walang mabigat na feeling sa set. Really, I am very glad that we've become friends ni Tintin."



SWITCHING CHANNELS. Okay naman pala siya with Tintin at sa ABS-CBN. Pero bakit kumakalat ang balitang lilipat na naman siya sa GMA-7?



"How can I do that?" nagtataka niyang sabi. "Mayroon kaming teleserye na matagal pa bago matapos. Kasi kahit umalis ako sa GMA-7, hindi ako nag-burn ng bridges. Alam nila 'yan.



"I keep communication lines open pa nga, with Tita Wilma [Galvante] up to now, kay Anette [Gozon]. Every now and then, nangungumusta ako sa kanila, ganoon din sila sa akin. Kasi naiintindihan nila noon yung paglipat ko. Yun lang ang masasabi ko.

"Dedma ako sa lipatan issue dahil okay lang ako sa ABS-CBN. At saka hindi na rin kasi bago ang ganyang mga isyu, kahit sa ibang artista. Mayroon na ring mga taga-Dos na lumipat sa Siete, ganoon lang. Kung saan ka masaya," aniya pa.



Pero totoo bang sumama ang loob niya dahil after Bituing Walang Ningning, ang ibinigay sa kanya ay super-villainess role sa Pedo Penduko at ang mga Engkantao? It took a year after she got another meaningful teleserye like Prinsesa ng Banyera.



"I must admit, medyo nabagalan na talaga ako," pag-amin ni Angelika. "Dati kasi, kahit talk shows, nabibigyan ako. Okay lang sa akin, basta ba may regular exposure. Pero iniisip ko na rin, hindi na ako bumabata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Wala namang hindi napapag-usapan, e. Pero iniisip ko na rin ang klase ng exposures na ibinibigay sa akin dahil hindi rin 'yan nakukuha sa maramihan," paliwanag niya.



Samantala, mukhang palaban na si Angelika sa kissing scenes. Nag-aapoy kasi ang mga eksena nila ni Rafael Rosell sa Prinsesa ng Banyera.



"Matagal na akong nakikipag-kissing scene, ano ba?" tawa ni Angelika. "From my first kissing scene with Robin Padilla [in the movie Hari ng Selda], hindi na bago 'yon, but I see to it na done in good taste lahat. Maski itong sa teleserye namin, we all have to do our best.



"Roles lang naman 'yan. Gusto ko rin namang mabigyan ng justice ang portrayal ko. E, kung dadayain ko 'yun, mahahalata lang, ako rin ang masisira," paliwanag ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN