Marvin Agustin is the latest addition in the cast of "Marimar"


"Nakasama ko na before si Marian sa mga guestings. Hindi ko alam na ganun na pala siya kahusay umarte. Hindi naman siguronagkakamali ang forty-plus percent televiewers sa pagpapanood ng Marimar," says Marvin Agustin about the lead actress of Marimar, Marian Rivera.



Pasok na si Marvin Agustin sa nangungunang primetime soap drama ngayon sa telebisyon, ang Marimar. Gagampanan ni Marvin ang papel na Rodolfo Sta. Ginez, ang anak ng business partner ni Gustavo (Jestoni Alarcon) na magkakagusto kay Bella/Marimar (Marian Rivera).



Sa naging first taping day ni Marvin para sa Marimar last Thursday, October 18, ay nasabak agad siya sa sayawan. Masquerade ball kasi ang eksena at dito rin muling magtatagpo sina Marimar at Sergio (Dingdong Dantes).



Inamin ni Marvin na nanonood siya ng Marimar kapag natataon na wala siyang trabaho at nasa bahay lang siya. Ang buong pamilya nga raw niya ay tutok sa Marimar at hindi raw maghahapunan ang mga ito hangga't hindi nila natatapos ang naturang soap opera.



Ayon kay Marvin, hindi niya akalaing mapapasama siya sa cast ng Marimar dahil katatapos lang niya sa Mga Mata ni Anghelita.



"Noong tinawagan ako dahil isasama raw nila ako sa Marimar, natuwa ako kasi mapapasama ako sa isang top-rating program ngayon. It's an honor for me na mapasama sa Marimar," nakangiting pahayag ni Marvin.



Hangang-hanga rin si Marvin kay Marian dahil ang laki na raw ng naging improvement nito sa pag-arte.



"Nakasama ko na before si Marian sa mga guestings," saad ni Marvin. "Hindi ko alam na ganun na pala siya kahusay umarte. Hindi naman siguro nagkakamali ang forty-plus percent televiewers sa pagpapanood ng Marimar."



Wala naman daw kaba si Marvin sa pagdirek sa kanya ni Joyce Bernal dahil nakasama na raw niya ito sa pelikula at TV show.



"Good friends kami niyan ni Direk Joyce. Kaya noong ibigay niya sa akin ang character ni Rodolfo, gusto niya ay coño ang dating. Tawa nga siya nang tawa nang i-act out ko ang role ko sa harap niya," kuwento niya.



Bukod sa Marimar, may isa pa raw TV show na gagawin ni Marvin sa GMA-7 pero isinisikreto pa raw ito sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN