Cesar Montano talks about sparring with showbiz foes in "Pinoy Mano-Mano"


Cesar Montano is now a Kapamilya star. He is set to host the first celebrity boxing match Pinoy Mano-Mano and will soon work on his first TV series Palos.


Nagbabaliksa ABS-CBN ang mahusay na aktor na si CesarMontano via the new celebrity boxing competition PinoyMano-Mano, na magsisimula na sa October 27, pagkataposng TV Patrol Sabado. Huling napanood sa telebisyonsi Cesar nung mag-special appearance sila ngmisis niyang si Sunshine Cruz sa Asian Treasures ng GMA-7.

Cesar gladly promotes his new reality show: "Unang-una,ang ganda ng intention ng show, to correct thecharacter of our actors. Pangalawa, i-encourage ko silasa tulong ng show na maging fit, maging ready for anyjob na tatanggapin nila...malinaw ang pag-iisip,lakas ng pangangatawan at malayo sila sa bisyo. At the same time also, maraming matutulungan na charity. Me, myself [sic] I have my own foundation, the PanaghoyChildren Foundation (PCF) na matutulungan korin out ofthis."

He set up his children's foundation before the May 2007 elections, bilang paraan ng kanyang pagtulong noong nagkaroonng food poisoning sa Bohol dahil sapagkain ngcassava cake.

Sasariling exhibition game ni Cesar ido-donate niya anghonorarium na makukuha niya para sa PCF. At hihilinginniya sa kung sinuman ang makakalaban niya sa ringna sana ay i-donate na rin sa PCF ang kanyang fee.

FIGHT TO FIX THINGS. Lalabandin si Cesar sa Pinoy Mano-Mano, pero hindi pa tiyak kung sino ang makakalaban niya sa kanyang exhibitiongame. Pinapili siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung sinoang three possible choices niya.

"Ahh, Richard Gomez, kasi mahilig dinsiyang tumulong din.Pangalawa, AndrewWolfe para maayos na kung anuman anginisip ng mga taona hidwaan namin. E, kasi, doon lang matatapos yun, e.Kapag nag-akap na yung dalawang boxers after thefight, magic na yun. Lahat sarado na," pahayag pa ng actor-director-producer.

Ang mga taong binanggit ni Cesar ay pawang nakaalitan niya noon. Nang tanungin siya tungkol sa pangatlong pangalan, pabirong sinabi ng PEP ang Tulfo brothers, na nakabangga niya noon sa isang gym sa Quezon City.

Natawa si Cesar bago sumagot. "Well, actually, sana," ngiti ni Cesar. "Yeah, anybody [from Tulfo brothers]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindiraw niya alam kung ano ang iisipin ng iba pero para sakanya, walang malisya ang pagsabi niya. "Basta ang intension ko is topatch up everything, kiss andmake up, and to help. Primarily, to help a certainfoundation," dagdag pa ni Buboy, ang kilalang palayaw ni Cesar sa showbiz.

Nabalitaan din noon na lilipat na siCesar sa Kapuso network, pero hindi ito nauwi sa pirmahan ng kontrata dahil daw sa ayaw niyangmakasama sa isang network si Richard.

"After the campaign and theelection, wala akong ginagawa. E, Kapamilya ang may offer na ganitong, ah...and theyoffered me three shows. Late na nag-offer ang GMA-7," ang sagot ni Cesar.

Dagdag pa niya, "Ako, gusto ko anytime mag-cross ang landas namin [ni Goma]. "Yeah,willing akong makatrabaho siya. Wala naman akonginiilagan. Mas maganda yung magkaroon ka ng kaibigan.Magharap kayo to patch up everything. Mag-usapkayo kesa habang buhay kayo na may sama ng loob saisa't isa. It's not good."

Sino anggagawa ng first move sa kanila ni Richard?

"I'm doing the first move. Gusto kosiyang makasama sa ring.At ako, sa tingin ko, kahit lagyan nila ng malisyaor kahit ano ang isipin nila, mag-enjoyna langsila. We'll do this match para tapos na," aniya pa.

Co-hostni Cesar ang kaibigang si Bayani Agbayani sa PinoyMano-Mano. May pitong male celebrities ang tatanggapng hamon. Kabilang dito sina TJ Trinidad, Rico Barrera,Jordan Herrera, Rico Barrera at JoemBascon.

NEXT PROJECT. Malapitna ring simulan ni Cesar ang kasunod na proyektonito sa ABS-CBN, ang kauna-unahan niyang teleserye, angremake ng Palos. Gaganap siya bilang tatay niJake Cuenca.

"Walang problema sa akin. It's ajob. I'm an actor. Itdoesn't matter kung anong klaseng character ‘yan as longas it is a challenging role for me, especially itongPalos. It's a dream role for me. I'm a huge fan ng Palos,e. Ako yung palos.

"Natutuwanga ako dahil kinuha pa rin nila ako. At the end ofthe day, naisip ko na mabuti at maganda pa rin angmapunta sa Kapamilya," nakangiting sabi ni Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BABY PLANS. Samantala,desidido pa rin talaga si Cesar na magkaroonng anak na lalaki sa kanyang misis na si SunshineCruz, kahit may Angelo na siya sa una niyang asawa, atsi Diego sa dating aktres na si Teresa Loyzaga.

Peromatigas si Sunshine sa kanyang desisyon na ayaw munaniyang magbuntis ulit for the next five years.

"Ah,ngayon, well, salita lang niya yun. Hayaan ninyo, Ihave hundred of ways na para magkaroon pa kami ngkid," ang sabi ng award-winning actor.

What ifbabae ulit ang susunod na ipagbuntis ni Sunshine?

"Okaylang," ngiti ni Cesar. "Try ulit! Mga30 anak pa kaySunshine, okey lang sa akin. Hahaha!"

Fiveyears daw ang effect ng Mirenan birthcontrol na ipinalagayni Sunshine sakanyang ob-gyne.

"Meronnga, e," lahad ni Cesar. "Ipatatanggal ko nga habangnatutulog siya. Hahaha!"

Sinabi narin noon ni Sunshine na tanging ang ob-gynelang niya ang pwedeng mag-alis noon sa katawan niya.

"Kakausapinko na yung OB-Gyne niya para tanggalin. Perongayon, okey na ...natutuwanaman ako sa nangyayari ngayon. Right now, she gotseveral jobs, offers here sa ABS-CBN. Marami siyangtrabaho, so una, hindi muna niya ‘yon...but until a certaintime kailangan niyang magpahinga, kailangan niyangmag-baby. Sigurofor another year or couple of years, siguro puwedena. Bata pa siya. Pwede pa siya," pagtatapos ni Cesar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN