Angelica Panganiban: "Babae ako at ang pangulo ko ay si Duterte."

Apr 20, 2016
<p>Angelica Panganiban with former Davao City Mayor Sara Duterte upon a chance meeting. Angelica is very vocal in saying that her presidential candidate is Rodrigo Duterte. (Left photo) Angelica holding the cup bearing Duterte's face, which she bought as

Nag-post ng pagsuporta si Angelica Panganiban via Instagram sa kanyang presidential candidate na si Davao Mayor Rodrigo Duterte.

Kahapon, Martes, April 19, dalawang Instagram posts ang ginawa ng Kapamilya actress.

Ang una, ang paninindigan niyang pagsuporta kay Duterte.

Pangalawa, ang karanasan niya nang makadaupang-palad ang anak ni Duterte na si former Davao City Mayor Sara Duterte at ang mga tagasuporta nito sa isang kampanya sa Bacolod.

Unang ipinost ni Angelica ang isang mug na may pangalan ni Duterte, na bigay raw sa kanya ng kampo ni Sara nang magkita sila.

Caption dito ni Angelica: “Walang krimen, walang magnanakaw, walang kababuyan kung ang namumuno ng bansa natin ay hindi natatakot ayusin at linisin ang Pilipinas.

“Babae ako at ang Pangulo ko ay si Duterte. (Thank you byaheng DU30 for yesterday. Mabuhay kayo)”

Sa pangalawang post niya, ikinuwento ni Angelica na habang nasa Bacolod ay bumili siya ng isang cup sa isang convenience store, taglay ang mukha ni Duterte para sa kanyang souvenir.

Continue reading below ↓

Nawala raw niya ito.

“Pero sa di inaasahang pagkakataon, nakita ko sila @indaysaraduterte. Kilig na kilig ako.

“Nilapitan ako ng ibang staff na magpa-picture daw sila Sara.

“Tumayo ako sa upuan ko at excited na makita sila. Masayang-masaya lang yung energy ng lahat.”

Niyaya rin daw siya nina Sara na kumain pero tumanggi si Angelica.

“Nahiya na lang ako. Kahit na gusto ko sila makausap at ipagmalaki na gustong-gusto ko si Duterte.

“Para ko silang long lost friends kahapon.

“Ibinabahagi ko lang ang experience ko kasama ang pamilya at supporters ni Mr. Duterte.”

Dugtong ni Angelica, nadagdagan pa ang paghanga niya sa kanyang kandidato.

“Sa sandaling yun, lalo akong humanga sa kanya.

“To think na lahat ng kasama niya ay volunteers lang. Walang bayad.

“At kinataba ng puso ko ang sincere na pagkamay sa 'kin ni @indaysaraduterte at pinasalamatan ako sa pagsuporta sa kanila.

Continue reading below ↓

“At sa sandaling yun... Nakakuha ako ng mug. Nakakatawa man... Pero masayang-masaya ako.

“Wala pang 24 hrs, binalik na sa ‘kin yung nawala kong cup from 7/11.

“And this time, galing mismo kina Duterte.”

Bought the slurpee cup for 25Pesos. Kahit ubos na ang slurpee ng 7/11. Makakuha lang ako ng #Duterte souvenir ??? nawala ko siya bago umalis ng Bacolod. Pero sa d inaasahang pagkakataon, nakita ko sila @indaysaraduterte kilig na kilig ako. Nilapitan ako ng ibang staff na mag pa picture daw sila Mayor Sara ??? tumayo ako sa upuan ko at excited na makita sila ??? masayang masaya lang yung energy ng lahat. Inaya pa nila ko kumain kasama sila. Nahiya na lang ako. Kahit na gusto ko sila makausap at ipagmalaki na gustong gusto ko si Duterte. Para ko silang long lost friends kahapon :) binabahagi ko lang ang experience ko kasama ang pamilya at supporters ni Mr.Duterte. Sa sandaling yun, lalo akong humanga sa kanya. To think na lahat ng kasama niya Ay volunteers lang. Walang bayad. At kinataba ng puso ko ang sincere na pagkamay sakin ni @indaysaraduterte at pinasalamatan ako sa pag suporta sa kanila. At sa sandaling yun... Nakakuha ako ng mug. ??? nakakatawa man... Pero masayang masaya ko. Wala pang 24hrs, binalik na sakin yung nawala kong cup from 7/11. And this time, galing mismo kina Duterte ??

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Samantala, sa Instagram account naman ni Sara, ipinost niya ang larawan nila ni Angelica.

Sa caption, pinasalamatan niya ang aktres sa pagsuporta nito sa kanyang ama.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Angelica Panganiban with former Davao City Mayor Sara Duterte upon a chance meeting. Angelica is very vocal in saying that her presidential candidate is Rodrigo Duterte. (Left photo) Angelica holding the cup bearing Duterte's face, which she bought as
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results