Heart Evangelista reunites with husband Chiz Escudero

by Nikko Tuazon
Jun 28, 2020
In an Instagram post on Sunday, June 28, 2020, Heart Evangelista reveals that she is finally reunited with her husband Chiz Escudero. The two spent over a hundred days away from each other because of the community quarantine.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Matapos ang tatlong buwan, muli nang nakasama ng GMA-7 actress na si Heart Evangelista ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram post kaninang umaga, June 28, 2020, ibinahagi ni Heart ang isang bagong kuhang litrato kung saan kasama niya si Chiz.

Ang maiksing caption ni Heart: "At long last! @escuderochiz. [heart emoji]"

Continue reading below ↓

Ilang celebrity followers naman ni Heart ang natuwa sa kanilang muling pagkikita. Kabilang dito ang ABS-CBN news anchor na si Karen Davila, ang aktres na si Alessandra de Rossi, at ang celebrity dermatologist na si Aivee Teo.

Heart Evangelista

Mahigit isang daang araw ring hindi nagkita sina Heart at si Chiz, simula noong ipasailalim ni President Rodrigo Duterte ang bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong March 15 upang pigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Naging busy naman si Chiz sa pagpapatupad ng quarantine guidelines sa kanyang nasasakupan bilang governor ng Sorsogon.

Sa simula pa lang ng ECQ, agad na na-miss ni Heart ang kanyang asawa.

Sa isang post noong March 16, ibinili ni Chiz si Heart ng isang over-sized hoodie na ginawa nitong security banket sa tuwing malukungkot siya.

"Because my husband knows that I’ve been anxious lately, he bought me this oversized hoodie which I use as my security blanket.

"This was my look for today while I work on this long-distance relationship as he is busy in Sorsogon. By staying home, we do our part in helping keep others safe. Let’s continue to pray for our country and for the world."

Continue reading below ↓

Noong April 11 naman, ipinahayag ni Heart sa isa pang Instagram post kung gaano nito ka-miss ang asawa habang nagbabasa ng librong Love in the time of Cholera.

Caption ni Heart, "More like 'Love in the time of COVD19.' [sad emoji] Missing my husband so much. Can’t wait for you to come home @escuderochiz. heart emoji"

Continue reading below ↓

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot here para lagi kang updated, and join our community for more pakulo!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In an Instagram post on Sunday, June 28, 2020, Heart Evangelista reveals that she is finally reunited with her husband Chiz Escudero. The two spent over a hundred days away from each other because of the community quarantine.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results