Beth Tamayo tapes "Maalaala Mo Kaya" episode in New York


Actress Beth Tamayo has just returned from her trip to the United States to tape an episode of Maalaala Mo Kaya with U.S.-based actors Raymond Bagatsing and Princess Punzalan.



Dumating last Sunday, October 21, ang magandang aktres na si Beth Tamayo mula sa Amerika kung saan nag-taping siya ng isang special episode para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN.

"We left Manila for New York City last October 8. Magkakasama kami sa MMK episode nina Princess Punzalan na based na in Connecticut and si Raymond Bagatsing na based naman sa Los Angeles," kuwento ni Beth sa PEP (Philippine Entertainment Portal) through text message.

Kasama ni Beth na lumipad papuntang Amerika ang ina niyang si Mrs. Zeny Tamayo.

"Nag-taping kami for three days. Then the rest of the days ng stay namin, I spent with my Mom going around kasama ang best friend ko na based sa New York," sabi pa ng aktres.

Then, lumipad na sila ng kanyang ina patungong Los Angeles to meet up with some relatives and friends. Nagkita rin sa Los Angeles sina Beth at ang best friend niyang si Judy Ann Santos, na may show doon with boyfriend Ryan Agoncillo.

"Hanggang Amerika, kami pa din ang magkasama!" bulalas ni Beth.

After L.A., ipinasyal naman ni Beth ang kanyang ina sa Las Vegas.

Ang Maalaala Mo Kaya episode nina Beth, Princess, at Raymond ay mula sa direksiyon ni John D-Lazatin. Last week of November or first week daw ng December ito malamang ipalabas sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN