Mel Tiangco champions "Isang Kinabukasan" album for Kapuso Foundation


Kapuso Foundation, which is headed by Mel Tiangco, has launched its first-ever album titled Isang Kinabukasan, a compilation of inspirational songs from some of the Philippine's finest musical artists.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV personality na si Mel Tiangco sa launching ng album ng Kapuso Foundation, ang Isang Kinabukasan, noong October 19 sa 17th Floor ng GMA Network. Sa nasabing panayam kay Mel ay naibahagi niya sa amin ang ilang mga pangyayari sa kanyang buhay na nakatulong upang mamulat siya sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Noon pala ay muntik nang mamatay si Mel dahil sa atake sa puso.

"It was 1997 noong nakaranas ako ng isang massive heart attack, and sumailalaim ako sa angioplasty," kuwento ni Mel. Ayon sa wikipedia, angioplasty is "is the mechanical widening of a narrowed or totally-obstructed blood vessel."

Marami raw dugo ang nawala sa news anchor nang sumailalim siya sa operasyon. Labing-isang bags daw ng dugo ang kinailangan para mailigtas siya.

Fortunately, nalampasan ni Mel ang pagsubok na ‘yon sa kanyang buhay. Marahil daw ay dahil may misyon pa siya—ang makatulong sa ating mga kababayan. "Nakakaya ko, kasi natutuwa sa akin ang Panginoon," sabi ng ng news anchor.

May mga karanasan daw si Mel na tuwi-tuwina ay humahaplos sa kanyang puso at nakakaantig sa kanyang damdamin.

"Minsan, nasa Orthopedic Hospital kami, may isang batang pinutulan ng paa dahil sa kanser. Ang sabi niya sa nanay niya, ‘Mama, kunin mo na ang paa ko sa itaas, umuwi na tayo!' Akala ng bata, pinutol lang sandali ang paa niya at ikakabit ulit," kuwento niya.

Minsan naman, nasa isang malayong probinsiya sila na sinalanta ng bagyo. Pumunta si Mel at ang buong grupo ng Kapuso Foundation para mamahagi ng pagkain at iba pang relief goods.

May isang matandang-matandang babae na kahit maraming taong nagsisiksikan para makakuha ng pagkain, gumawa ito ng paraan para makalapit sa stage kung saan naroroon si Mel, na namamahala sa distribution ng mga relief goods. Nang nakalapit na ito, sa mahinang-mahinang boses ay ito raw ang sinabi niya kay Mel: "Bakit ka tumutulong sa amin? Bakit ka namimigay ng pagkain? Sino ka ba?'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga ganitong kaganapan daw ang ilan sa mga nagbibigay-inspirasyon kay Mel, na lalong nagpapatindi ng hangarin niyang makapagbigay ng serbisyo at tulong sa mga nangangailangan.

ISANG KINABUKASAN. Hindi siya tumitigil sa paglulunsad pa ng mga makabuluhang proyekto to raise more funds para mas lumawak at dumami ang nasasakupan ng pagtulong ng Kapuso Foundation.

Kaya isinilang ang Isang Kinabukasan, isang compilation album ng original compositions mula sa ilang pinakasikat na musical artists ng bansa. Kasama sa album ang title track na "Isang Kinabukasan," na nilikha ng anak ni Mel na si Wency Cornejo at inawit ng ilan sa pinakasikat at pinakamahuhusay na singers at artista sa bansa.

May MTV din ang Isang Kinabukasan na idinirek naman ni Louie Ignacio, at tinampukan ng lahat ng mga umawit ng kanta at ilang contract artists ng GMA-7. Ang ikinatutuwa ni Mel ay libre raw ang serbisyong ibinigay ng lahat ng mga involved sa naturang proyekto.

"Sa halagang 280 pesos, makakabili ka na ng CD na naglalaman ng 12 songs at isang MTV, at makakatulong pa kayo sa mahihirap. Louie is the hero, the genius, siya ang utak ng MTV," wika ni Mel.

Dagdag pa niya, "Gusto ko rin siyempreng pasalamatan ang aking anak. Without the song, I don't think we have anything.

Bukod sa "Isang Kinabukasan," ang album ay naglalaman ng mga sumusunod na awitin: "The Gift Inside Of You" (Words & Music by Raul Mitra/Performed by Regine Velasquez); "Forever Be" (Words & Music by Melvin Morallos/Performed by Jolina Magdangal); "I Will Be" (Words & Music by Janno Gibbs and Ogie Alcasid/Performed by Janno Gibbs); "Hindi Diyos Nagbabago, Tao" (Words & Music by Toto Sorioso/Performed by Sipol).

Kasama rin ang "My Miracle" (Words & Music by Raul Mitra/Performed by Jonalyn Viray); "Ang Kabataan" (Words by Nestor Torre & Music by Jose Mari Chan/Performed by Jose Mari Chan); "One Wish" (Words & Music by Rebel Magdagasang/Performed by Charmaine Piamonte); "Ikaw" (Words & Music by Agatha Obar/Performed by Brenan Espartinez); "Tagumpay Nating Lahat" (Words & Music by Gary Granada/Performed by Jennylyn Mercado); "Doon" (Words & Music by Nonoy Tan/Performed by Ivy Violan), at "Alaala Ng Pasko" (Words, music & performed by Wency Cornejo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang lahat ng kikitain sa pagbebenta ng Isang Kinabukasan ay mapupunta sa Kapuso Foundation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN