Matt Evans bids goodbye to "Pedro Penduko"


"Ay, grabe nung last taping day! Sobrang ano...emosyonal lahat. Sobrangang dugo talaga ng taping na ‘yon. Pero alam mo na kahit puyat anglahat, hindi mo makikitang malungkot. Masaya pa rin," narrates Matt Evans about their last taping day on the set of Pedro Penduko at ang mga Engkantao.



Nag-celebrate ng kanyang 19th birthday ang young actor na si Matt Evans noong Lunes, October 22. Simple lang daw ang naging celebration ng kaarawan ni Matt sa kanilang bahay.

Pero malungkot na ikinuwento ni Matt sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi nakarating ang kanyang girlfriend na si Olyn Meimban sa kanyang selebrayon.



"Nabanlian po kasi ng bagong kulong tubig si Olyn sa kanila, e. Maliligo na siya nung madapa yung katulong nila na may dalang mainit na tubig. Nalapnos yung paa niya kaya hindi siya makalakad. Kaya pagkatapos ng konting celebration sa bahay, ako na yung nagpunta sa bahay nila," kuwento ni Matt.



To follow na lang daw ang regalo ni Olyn, pati na ng ka-loveteam ni Matt sa Pedro Penduko na si Melissa Ricks.



Ang birthday wish ni Matt ay dumami pa ang projects niya at maging stable ang career niya.

PEDRO PENDUKO ON TOP. Tuwang-tuwa naman si Matt nang malaman niya na nag-number one sa ratings noong Sabado, October 20, ang second to the last episode ng Pedro Penduko at ang mga Engkantao.



"Unang-una, masaya ‘tsaka siyempre hindi rin naman tataas [yung rating] kung hindi rin dahil sa suporta ng mga tao. Sobrang nagpapasalamat din po ako sa company [ABS-CBN] sa tiwalang binigay nila sa akin," sabi ni Matt.



Kung ang ibang shows ay inaalis sa ere dahil sa mababang ratings, ang Pedro Penduko ay patuloy na tinatangkilik ng maraming manonood. Hindi ba posibleng bigyang kunsiderasyon ito ng ABS-CBN management para ipagpatuloy sa ere ang programa ni Matt?



Ayon kay Matt, "Sana ituloy kasi, unang-una, grabe ang bonding namin ng mga kasama ko doon, like si Oyo [Sotto] at yung iba pang mga Engkantao. Sobrang ang saya talaga sa set!

"Habang ginagawa naming yung show, lahat ng effort nandun talaga. ‘Tsaka alam mo yung sinasabi na dugo't pawis yung nandodoon? Sobrang pinaghihirapan talaga. Kaya nagiging masaya kami kasi talagang sulit naman ang pinaghirapan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi namin in-expect na magri-rate nang husto ang Pedro Penduko. Basta ang ginagawa namin, bawat taping day, binibigay namin lahat para mapaganda yung show, kaya very grateful kami kasi naging ganun kataas ang [rating ng] show."



LAST TAPING. Sad to say, nag-last taping day na nina Matt para sa Pedro Penduko two weeks ago.



"Ay, grabe nung last taping day! Sobrang ano...emosyonal lahat. Sobrang ang dugo talaga ng taping na ‘yon. Pero alam mo na kahit puyat ang lahat, hindi mo makikitang malungkot. Masaya pa rin. Tapos yun nga, nung mga last sequence na, medyo nag-iiyakan na. ‘Ayun na! Parang ‘Tapos na tayo, e.' May panghihinyang talaga.

"Umiyak si Denise [Laurel], siyempre ako rin. Si Maja [Salvador], hindi naman umiyak pero alam naman kasi namin na magkakasama at magkakasama pa rin kami ulit. Kung hindi man sa show na ‘yon, sa iba pang show na puwedeng ibigay sa amin ng company.

"Si Oyo? Oo, umiyak din siya. Pero sobrang kulit pa namin noon, grabe! Kasi ano na, e, sobrang tanghali na nung next day kami natapos. Ang saya kahit puyat na," kuwento ng young actor.

What about Matt? Siyempre mas matindi ang lungkot sa kanya dahil very meaningful at sentimental para sa kanya ang Pedro Penduko, kung saan siya ang bida.

"Yung sa akin, grabe!" bulalas niya. "Parang ang tagal-tagal namin shinoot. Parang isang taon mahigit. Tapos biglang parang ang bilis, natapos agad. Parang gusto ko pa ng isa pa, pahabain pa."

Nakatatak na kay Matt ang karakter ni Pedro Penduko. Hindi kaya matagalan bago siya makapag-move on sa karakter nito?

"Ako kasi, kung ibibigay ulit sa akin ang role na ‘yon, talagang ibibigay ko ulit ang best ko o mas matindi pa sa una kong ginawa. Okay lang naman sa akin na ma-identify sa akin si Pedro Penduko kasi, unang-una, ‘yon talaga ang first project na ibinigay sa akin at ipinagkatiwala ng company. ‘Tsaka doon talaga ako nakilalala kaya kahit paulit-ulit nila akong tawaging Pedro, kahit hindi na ‘yon ang ginagawa ko, okay lang sa akin," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ba niya ulit ng panibagong superhero role?

"Ako kahit anong role, okay lang sa akin kasi trabaho ‘yon. Kahit hindi bida, kahit supporting lang. Kahit tsimoy, okay sa akin kasi trabaho ‘yon, e," sabi ni Matt.

BEST NEW MALE TV PERSONALITY. Sa darating Star Awards for Television ay nominated si Matt bilang Best New Male TV Personality. Makakalaban niya sa kategoryang ito ang Pinoy Big Brother Teen Edition co-housemate niya na si Gerald Anderson.

"Huh! Hindi nga po? Hindi ko po alam yun!" nagulat na sagot ni Matt nang hingan namin siya ng reaskiyon sa kanyang nomination.

"Panalo na po si Gerald doon," patuloy niya. "Sa akin po? Ewan ko kung bakit ako na-nominate. Pero siyempre, grateful ako kasi nominated ako. Basta ako, ginagawa ko lang ang best ko."

Si Matt din ang napiling bagong celebrity endorser ng Penshoppe, kung saan makakasama niya ang ka-loveteam na si Melissa. Malapit na raw ilabas ang bagong billboard ni Matt at tiyak na hindi siya makikilala agad. Ibang Matt daw kasi ang makikita sa billboard dahil sa kanyang animated straight hair look.

Inumpisahan na rin nina Matt at Melissa ang "Engkanto" episode para sa Shake, Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment. Kasama rin ang young actor sa ABS-CBN soap opera na Princess Sarah, na pagbibidahan ni Sharlene San Pedro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN