Bobby Andrews reunites with former loveteam Angelu de Leon in "Super Inggo 1.5"


"You know, it's heartwarming kasi it's been what... twelve, thirteenyears already since our first partnership together. Nakatatak talagasiya sa mga tao," says Bobby Andrews about his partnership with former loveteam Angelu de Leon. The two are working again together in Super Inggo 1.5.



Pagkatapos ng markadong pagganap ni Bobby Andrews bilang kontrabida sa soap opera na Walang Kapalit, hindi siya natatakot na tuluyan nang ma-typecast sa ganitong uri ng role. Kontrabida ulit ang role ni Bobby sa Super Inggo 1.5, na pinagbibidahan ni Makisig Morales at magsisimula na sa November 3 sa ABS-CBN.



"Mukhang pangangatawanan ko muna ito," nangingiting bungad ni Bobby sapanayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Super Inggo 1.5 noong Huwebes, October 25, sa ABS-CBS compound, Quezon City.

"I'm enjoying myself sa pagiging kontrabida. Ang daming mga ipinagagawa sa akin na kakaiba from what I used to before, di ba? So this is a good shift for me kasi it's so different, I guess. I get to experiment a lot. I got to see what I'm not in real life, di ba?"

Kasama ni Bobby sa Super Inggo 1.5 ang dati niyang ka-loveteam na si Angelu de Leon. Hindi ba siya natatakot na may ma-rekindle ulit sa kanila ni Angelu, bagama't happily married na si Bobby samantalang may dalawang anak na rin ang aktres?

"Hindi ako natakot. Actually, natuwa ako!" sabay tawa ni Bobby.

"When I transferred kasi to ABS-CBN, nasa GMA pa siya [Angelu] noon. I thought after our last show sa GMA, it could be our last work together. I'm happy now kahit papaano nandito kami pareho sa ABS-CBN, na we get to work again together," kuwento pa ng aktor.

Bagama't marami nang taon ang lumipas, marami pa rin ang nakakatanda sa loveteam nina Bobby at Angelu na sumikat nang husto noong ‘90s.

"You know, it's heartwarming kasi it's been what... twelve, thirteen years already since our first partnership together. Nakatatak talaga siya sa mga tao. Like kanina, Tita Nova [Villa] was saying na, ‘Alam mo Angelu, tingnan mo, kailangan ‘pag binanggit ang Angelu, parang kailangan ang kadugtong may Bobby. ‘Pag binanggit ang Bobby kailangan may Angelu.' Ganun," lahad ng dating matinee idol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Libreng-libre ngayon si Angelu bagama't may dalawa na siyang anak na babae, biro namin kay Bobby.

"Fortunately!" tawa niya. "Hindi! May may asawa ako [Bien Co]. Pero hindi... Speaking of which, balita ko naman na si Angelu magdi-date tonight. Hindi ko alam kung sino, but hopefully that works out well. Regarding naman my wife, she's okay naman that I am working with Angelu."

NASABIT LANG. Naging laman ng babasahin si Bobby recently tungkol sa diumano'y scam na napasukan nila ng dati niyang co-star sa TGIS na si Michael Flores. Kaya si Bobby na mismo ang nagbigay linaw tungkol sa isyung ito.

"Itong e-Text, it's a loading station. To make a long story short, kilala namin yung owner, yung chairman [Jericho Estrella] and he got us as endorsers for one of his companies, which is e-Mart. This is chain of convenience stores, it's a local convenience store which I believe the first branch will be open in two weeks time in Osamis.

"Kinuha kami ni Michael Flores as endorsers for that. But what I found out recently, yun nga, nagkakaproblema na with his [chairman] other companies, yung e-Text which is also under him. So, apparently, marami ‘atang pinagkakautangan and everything. So, that's the problem.

"But to clear things up, first of all, kami ni Michael walang kinalaman diyan. Ginamit kami as endorsers lang ng e-Mart. Hindi kami stockholders for the business. In fact nga, they were even producing TV shows for RPN-9. Their other company actually, e-TV Productions, is producing other shows for Channel 9 with Angelique Lazo titled Banyuhay, which is produced also by Jericho Estrella....

"So, I have no idea kung bakit nagkaganun yung isa nilang company, which is e-Text. I would assume naman na kaya kami nasabit, kasi our pictures are there because endorsers kami ng e-Mart, pero hindi ng e-Text. And it's part of the company and we have the same chairman. So, na-drag yung name namin [ni Michael]," mahabang paliwanag ni Bobby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap na rin daw ni Bobby ang chairman ng e-Mart at sinabi raw nito sa kanya na dumadaan sa maraming problema ang kumpanya ngayon.

"Pero sine-settle naman daw niya lahat ng kanilang obligations," sabi ni Bobby. "In fairness kay Jericho, hindi siya nagtatago. In fact, visible siya. Sumasagot naman siya ng mga tawag, ng mga text. Sinasabi lang niya na the company has some problems right now and once ma-settle ang mga problemang ‘yon, babayaran lahat ng obligations."

May obligations pa ba sa kanila ni Michael ang e-Mart?

"Meron," tugon ni Bobby. "As endorsers naman kasi, hindi naman lahat ibibigay. One year ang contract ko sa kanila as endorsers, pero 20 percent pa lang ang nakukuha ko doon. That's why lang I feel bad na nada-drag ang pangalan namin ni Michael dito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN