Former MTB TV Idol Mark Cortez steps out of the closet


Mark Cortez had been receivingquestions about his true sexuality ever since he joined showbusiness. But his manager advised him to keep quiet because he had a matinee-idol image to protect while being a member ofthe male teen group called TV Idol.


Matagal nang bulung-bulungan angtungkol sa tunay na kasarian (gender) ni Mark Cortez, isa sa mga nanalo sa TVIdol ng Magandang Tanghali Bayan (MTB), ngunit ngayon lamang siya nagkaroonng lakas ng loob upang aminin ang katotohanan.


Ilang beses na rin siyang nag-deny satanong na “Bakla ka ba?” ngunit sa exclusive interview sa kanyang Entertainment Live kanina, October 27, buong tapang naniyang sinabi na, “Yeah. Of course. I’m proud to say that I am[gay].”


Inamin ng dating host ng MRS (MostRequested Song) na nahihirapan na rin siyang itago pa angkatotohanan kung kaya nagpasiya na rin siyang mag-out of the closet.


Kuwento pa ni Mark, “Siguro ito natalaga yung time kasi minsan napapaaway na ako dahil…Kasi may G4Msa chat na lahat kayo puro [bisexual] at puro gay. Nag-member ako,parang nakipag-chat-chat ako. Tapos sabi nila sa akin, ‘Di ba siMark ka? Bakit nandito ka? Akala ko ba ganito? Akala ko ba ganitoka? Tapos dine-deny mo pa.’


“Minsan napipikon ako na parang, ‘E,ano naman ang pakialam n’yo?’ Parang ginaganun ko. Tapos ayunnasabi ko na parang nahihirapan na rin ako. Tapos may mga kaibigandin ako na nagsasabi sa akin na parang, ‘Kapag may chance basasabihin mo?’ [Sagot ko], ‘Oo.’ Hindi ko naman ide-deny. Masaya ako, happy ako.”


Dagdag pa ni Mark, hindi rin siyamakaamin noon dahil sa respeto niya sa grupo niya na TV Idol. Aniya,“Ang hirap kasi, minsan sinasabi ko sa manager ko, ‘Sabihin nakasi para matigil na yung mga isyu noon pa man.’ Sabi niya, ‘Huwagngayon.’ Kasi siyempre parang yun ang inaano sa iyo, matineeidol.”


Nang tanungin kung matagal na niyangna-realize ang kanyang pagiging bakla, sinagot ng dating Qpidsmember, “Hindi naman ever since kasi noong high school akonagkaroon ako ng girlfriend. Okay naman. Tapos noong pagpasok konung… Hindi ko ine-expect na papasok ako sa showbiz, doon kona-realize na ang dami pa lang cute sa showbiz. Tapos yun nga nasabiko, ‘Eto na, dito na talaga ako belong.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


A FRIEND'S SUPPORT. Sakanyang pagtatago, malaki ang pasasalamat ni Mark sa kaibigang siCherry Lou dahil sa suportang ibinigay sa kanya.


Ayon kay Mark, “Ang tawag ko sa kanya 'goddess,' ang tawag niya sa akin 'gorgeous.' Sobrang natutuwa akokay Cherry kasi siya lang talaga yung nag-text sa akin, ‘Hoy, mare,nandito pa rin ako.’ Parang sabi niya kahit anong isyu angdumating sa akin. Kaya sobrang thankful ako nagkaroon ako ngkaibigang kagaya niya.”


CONFRONTATION WITH MOM. Sakabila ng kanyang pagladlad, kinakabahan pa rin si Mark dahil hindipa rin niya ito nasasabi sa kanyang ina na nasa ibang bansa.


Gayunman, naniniwala naman siya namaaring nararamdaman na rin ng kanyang ina ang tungkol sa tunayniyang sexual preference. Pahayag ni Mark, “Pero may idea na siya kasi lagina niya akong tinatanong pero di pa namin napag-uusapan, uuwi panaman siya sa November 28. Kinakabahan ako pagkatapos nito. Samother ko talaga ako magso-sorry.”


At kahit na malaman ng kanyang ina angkatotohanan ay itutuloy pa rin daw ni Mark ang kanyang pangako saina. Pabiro niyang sinabi, “Sana kahit ganito, nalaman mo na anopa rin, bibigyan ko pa rin siya ng anak. Iyon ang sabi niya sa akin,bigyan ko siya ng anak, kaso hindi pa ako ready mabuntis.”


Pahabol pa niya, “Basta mag-uusap nalang kami, kakausapin ko talaga siya. Alam ko na alam niya rin ito,tinatago niya lang.”


Ngayong isinapubliko na ni Mark angkanyang pagiging bakla hinihiling niya na sana ay patuloy pa rin angpagrespeto sa kanya ng mga tao.


Upang patuloy na makuha ang respeto,sinabi ni Mark na, “Kaya sabi ko nga sa sarili ko hindi ako lalabasng bahay namin ng nakapambabae, hindi ako lalabas sa bahay namin ngnaka-makeup, hindi ako lalabas sa bahay namin na parang anglandi-landi ko. Mas rerespetuhin ako ng tao, feeling ko, kapag ginawako yun, normal ko pa din.”


At huling paalala niya sa publiko,“Ganun pa rin ako na parang MTB days pa rin na nagpapatawa, kenkoy,pero wala nang tinatago.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN