Shaina Magdayao acts out crush on Piolo Pascual in "Lobo"


Shaina Magdayao veers away from teenybopperroles by playing a 23-year old Philippine Military Academy graduate. She isslated to shoot kissing scenes with Piolo Pascual in the ABS-CBN fantaserye Lobo.


Isang ganap na dalaga na nga siShaina Magdayao at patunay nito ang kissing scene niya with Piolo Pascual parasa fantaserye nilang Lobo. Nalaman ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) ang tungkol dito nang ginanap ang kanyang solo birthday presscon mulasa Star Magic noong Biyernes, October 26, sa ABS-CBN compound, Q.C.

Biro sa kanya ng PEP, ang suwertenaman ni Piolo samantalang hindi naibigay ang chance na ito sa mga nali-link kay Shaina na sina Rayver Cruz at John Prats.

"Nakaka-tense din po, dahilalam naman ninyong crush ko talaga si Papa P (tawag niya kay Piolo), atdream-come-true talaga sa akin na makakatambal ko na siya," sabi niShaina. "Pero experiment daw po ito na ang role ko is that of a23-year-old PMA [Philippine Military Academy] graduate, magkasama kami sa PMA,pero siya po ay sa police napunta, ako naman ay nakuha sa intelligence kayahindi ako magsusuot ng uniform.

"Medyo pinatanda po ako sa make-up at samga clothes na isinusuot ko. Pero ang kilos ko po may pagka-boyish dahilnga mula ako sa PMA, pero may gusto po ako kay Papa P, at may mangyayari nga,iyon na po iyong kissing scene. Gusto raw po nilang ilayo naman ako sa mgateeny-bopper roles na ginagampanan ko at mas mature role na ang gawinko. Kaya wala po akong ibang katambal dito, si Papa P lang."

Nakapagsimula na silangmag-taping ni Piolo pero ngayon daw ay nasa Canadaang aktor dahil may concert sila roon nina Sam Milby at Pokwang.

"Magkasalisi po ang schedulenamin dahil pagbalik naman niya rito sa November 7, ako naman ang wala dahilone week nga akong magbabakasyon sa Japan. Kaya po binigyan na nila ako ng schedule, na pagdating ko rito sa November 12,diretso na agad ako sa taping," kuwento pa ni Shaina.

Bukod sa bagong TV show, maydalawa rin siyang movies para sa upcoming Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natapos na po namin niRayver ang Katas ng Saudi for Maverick Films under Tito Joey Reyes, naparang reunion ko po kay Ms. Lorna Tolentino dahil nagkasama na kami noon sa KayTagal Kitang Hinintay sa Channel 2. First time ko po namang nakasamasi Senator Jinggoy Estrada.

"Happy rin ako nang malamankong kasama ako sa Bahay Kubo ng Regal Entertainment dahil ang tagal kona pong gustong makasama ulit si Inay Marya [Maricel Soriano]. Bata-batapa po ako nang magkasama kami sa Bida si Mister, Bida si Misis with TitoCesar Montano. Si Tito Joel Lamangan naman ang direktor namin at iba angrole ko rito sa movie," pagwawakas ni Shaina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN