Mayor Rodrigo Duterte doubts daughter's rape claim; calls her "drama queen"

Apr 20, 2016
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte expressed doubt on daughter's claim she is a rape victim. He even called Sara Duterte a "drama queen."</p>

Bukod sa hindi naniniwala si presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi rape victim ang anak nitong si dating Davao City Mayor Inday Sara Duterte, tinawag pa niyang “drama queen” ang anak.

Nitong April 18, sa kasagsagan ng isyu tungkol sa “gutter joke” ni Duterte tungkol sa isang Australian rape victim, nag-status sa Instagram ang anak niyang si Sara.

Sa nasabing post, sinabi ni Sara na biktima rin siya ng rape, pero iboboto pa rin niya ang ama bilang pangulo.

Read: Rodrigo Duterte's daughter Sara reveals she's a rape victim

Reaksyon ni Duterte tungkol sa pag-amin ng anak, “She can’t be raped; she carries a gun.”

Ayon pa sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong Miyerkules, April 20, itinanggi ni Duterte na may alam siya sa sinasabi ng kanyang anak.

Hindi na rin siya nagdagdag ng paliwanag dahil personal raw ito kay Sara.

Continue reading below ↓

Sa kanyang speech, nagpahayag umano si Duterte ng kanyang pagdududa sa sinabi ni Sara at tinawag pa niya itong “drama queen.”

Paliwanag naman ni Sara tungkol sa kanyang pag-amin, tinanong siya ng mga tao na magkomento tungkol sa “gutter joke” ng ama tungkol sa Australian rape victim noong 1989.

Sinabi ni Sara na gusto lang niyang ipahayag na pinagdaanan rin niya iyon at hindi siya nainsulto sa biro ng ama.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Davao City Mayor Rodrigo Duterte expressed doubt on daughter's claim she is a rape victim. He even called Sara Duterte a "drama queen."</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results