Former actor Joko Diaz talks about his life outside showbiz


Former action star Joko Diaz has been away from the limelight for a few years now, but he is gearing up for his return to the entertainment industry.



Kabilang si Joko Diaz sa celebrities na nanood sa unang sagupaan ng Pinoy Mano-Mano Celebrity Boxing Challenge noong nakaraang linggo. Hudyat na raw ito ng pagbabalik sa showbiz ni Joko, pero itinanggi rin niya na nag-quit na siya sa showbiz. Si Joko ay anak ng dating character actor na si Paquito Diaz.



"Daddy ko yung nag-retire. Pinag-settle lang yung dad ko ‘tapos ano, ngayon, sa business na lang," panimulang pahayag ni Joko sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ayon pa kay Joko, sa Bicol na naka-base ang mga magulang niya. Taga-roon ang mommy niya at mga kapatid nito. Ang tito't tita raw niya ang distributor ng kilalang beer sa buong Bicol, kaya mas maiging nandoon muna ang parents niya.



Nagkaroon ng matinding karamdaman si Paquito Diaz. Balita ni Joko tungkol sa kalagayan ng kanyang ama: "Hindi naman half-dead ang body ng daddy ko. Nakakausap na siya. Normal siya, pero medyo may backlog yung memory niya. Mga two years din bago siya nakapaglakad, nakatayo. Matagal din ‘yon."

Patuloy ng dating action star, "Ang mommy ko ang nag-alaga sa kanya dahil may pamilya na rin ako at sa Batangas City na ako naka-base. Seven years na ako sa Batangas. Actually, I enjoyed Batangas because nandun ang family ko at mga relatives ko. Walang problema sa kanila na may mga nangyari sa akin dati. Open sila doon.

"'Tapos yung mga pulitiko doon naging barkada, naging kaibigan. Inalok nila ako noong last election. Sabi ko, hindi pa ako hinog sa Batangas. So, si Governor [Armando] Sanchez, yung pinalitan ni Vilma [Santos], ‘yon ang naging boss ko doon," kuwento pa niya.



PRIVATE JOKO.
Nagkaroon din ng barber shop dati si Joko sa Batangas, pero ang restaurant ng tita niya na nakatayo for 40 years na ang siyang inaasikaso niya ngayon. Nagha-hauling din dito sa Maynila si Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Minsan nag-work din ako sa U.S. for five months. Tinatanong ako ng boss ko kung uuwi pa raw ako. Sabi ko, ‘Oo. Hindi ako puwede dito.' Naging headlight technician ako doon. Nagkakabit ng mga ilaw sa L.A. [Los Angeles]," lahad ni Joko.



Bakit niya naisipang magtrabaho sa U.S.?



"Wala lang! Para lang mabago ang atmosphere," sagot niya. "Bale yung pinsan ng misis ko, si Abby [Abigail], doon ako nakatira. Tapos yung mga cousins ko naman doon, every weekend sinusundo ako, lumalabas ako. Kasi Monday to Friday lang yung work ko.



"Tourist ang visa ko kaya kailangan kong bumalik ng Pilipinas. Before, we were thinking of migrating, e, parang hindi ano, hindi ako masaya. Ang layo ko sa mga magulang ko. Nasanay ka na may auto ka. Nasanay ka na meron kang kasama sa bahay. ‘Tsaka if ever man mag-migrate kami, magandang work ang pipiliin ko, hindi yung light technician. Maganda lang pakinggan, pero kapag tinatrabaho, nakakapagod."



ANGELU DE LEON. Ngayong magbabalik-showbiz na si Joko, payag ba siya na makatrabaho ulit si Angelu de Leon (ina ng anak nilang si Nicole)?



"Mapapag-usapan siguro... ng pamilya. Kakausapin ko muna ang pamilya ko. Tanungin ko muna sa wife ko, sa in-laws ko, kung okay ba sa magulang ko," pahayag ni Joko.

"Kasi siyempre, nasanay na kaming tahimik, e. Ilang taon na kaming tahimik. Lilitaw ako, maglalabas siya [ng nakaraan], so bobombahin niya ako. E, ugali ko naman yung hindi ako sumasagot."



Alam ba ng anak niya kay Abby na si Ashley na may iba siyang kapatid?



"Malalaman niya rin. Pero actually, hindi pa niya naintindihan ngayon, so later on. Sa ngayon, clueless pa siya," sabi ni Joko.



Nilinaw ni Joko na wala naman daw siyang balak ilihim kay Ashley na may iba siyang kapatid.



"Of course, we're parents so we have to be open to our kids. Kapag nasa tamang age na siya siguro. Hindi naman natin matatago ‘yan. Baka bago mag-seven or mag-eight, alam na niya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NICOLE. Kumusta naman sila ni Nicole?



"Actually, hindi kami nakakapag-usap," pag-amin niya. "Wala kaming communication ng mom [Angelu] niya. Kasi ‘yan ang ikinakatakot ko dahil kapag babalik ako ng showbiz, wala namang ibang pag-uusapan kundi ‘yan lang, e."



Aware ba siya na si Jojo Manlongat ang ama ng kapatid ni Nicole kay Angelu?



"Alam ko na dati pa," sagot niya. "Naririnig ko na from friends. But it's not my problem kasi. It's her, kasi ginusto niya ‘yan nung naghiwalay kami. So, she must take full responsibility about it."



Okay ba sa kanya kung sakaling mag-artista rin si Nicole?



"Wala naman akong karapatang mag-ano, e, mag-choose ng life niya. Depende sa kanya ‘yan. I hope she makes good in every decision she makes. Kasi alam kong broken family siya, hindi kami magkasama ng mommy niya, kulang siya sa guidance. So, sana isipin niyang mabuti. Actually, wala akong karapatan na magsalita, mag-advise sa kanya, kasi wala naman ako doon, e. I'm always not there," pag-amin ni Joko.



Aware si Joko na magbi-birthday si Nicole on Wednesday, November 7, pero hindi raw niya personal na mababati ang anak.



"I wish her happy birthday and I miss her na rin," sabi ni Joko. "Kasi I haven't seen her two years na. I miss her, of course, she's my daughter. I wish her the best. Sooner or later, magkakausap din kami. Kasi I have plans din naman for my kids outside.

"Hindi lang naman si Nicole ang kids ko outside. Meron pa akong dalawa. Non-showbiz ang mommy nila. So, I have four kids. One boy, panganay. I plan to have lunch or dinner with all of them and explain whatever the problem is. After that, ayos na ang lahat. Just one best day for everybody.

"Maybe next year, but not definitely this year kasi I have to fix things pa, yung mga negosyo. Busy ako sa Batangas pero dito nagaganap ang transaksyon. Siguro in a week, mga twice or thrice a week, nandito rin ako sa Manila," pagtatapos ni Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN